MATABIL
ni John Fontanilla
MULA sa pelikulang Spring Of Prague ay isang horror movie naman ang next movie na gagawin ng Boraccho Films ni Atty. Ferdie Topacio.
At sa nasabing pelikula ay ilulunsad nito si Jesy Vifal.
Ayon kay Atty. Ferdie, isang horror film, psychological ang tema ng pelikula.
“Mayroon siyang solo movie (Jesy) na gagawin pero wala pang title basta horror movie siya maganda ‘yung konsepto namin ni direk.
“Makakasama niya ‘yung iba pang inaalagaang talents ng Borracho”
Bukod sa horror film ay may mga naka-ready na itong mga pelikulang gagawin at isa rito ang ukol sa biopic ng dating Senador Gringo Honasan.
“Isang political drama. Actually may script na ako, marami na akong script na naipon.
“So, kapag nasa mood gagawin ko. Mayroon akong ‘One Dinner A Week,’ ‘yung Gringo may script na, isinimute nga namin ‘yun sa MMFF (Metro Manila Film Festival).
“Pero mayroon pa akong isa, ‘yung spy thriller na ‘Pain’ ang title.
Mahirap ‘yung kay Gringo malaki ang budget niyon eh, magiging period piece ‘yun.
“Ang Borracho naman ganito ang ginagawa. Kumukuha kami ng investor pero Borraccho lang. Ako ‘yung Executive Producer, may mga producer lang,” paliwanag pa ni Atty. Ferdie.
Hindi naman pera ang dahilan kung bakit hindi pa natutuloy ang pelikulang Gringo.
“Hindi pera ‘yung problema eh, kasi mukhang aabutan kami ng eleksiyon, kaya ‘di naman maipalalabas agad. Kaya hindi na namin itinuloy, medyo nawalan ng momentum.
“Si Gringo kaibigan naman natin ‘yan, gusto pa rin niyang gawin.
“Itutuloy pa rin namin ‘yung movie, still in the works.
“Ako kasi part time eh at ang main ko eh law practice.
“Bibiruin ko sana si Eric (Borrome, isa ring showbiz reporter) ‘yung sinasabi niya kung ano ang dream movie ko.
“Dream movie ko nandoon sina Bea (Binene), Yasmine (Kurdi), Myrtle (Sarrosa), Claudine (Barretto),” pabiro at natatawang pahayag pa ni Atty. Ferdie.
Ang gusto talaga ni Atty. Topacio ay makagawa ng magagandang pelikula para makatulong sa local movie industry at makilala ang mga pelikulang ginagawa ng Borracho Films sa ibang bansa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com