MATABIL
ni John Fontanilla
MATAPOS ang matagumpay na pagpapalabas sa mga sinehan sa Visayas ng Bisayan movie na Sugo na pinagbibidahan ni Zyrus Desamparado ay muli itong bibida sa isang Holy Week movie, ang Inuslan o Hiram sa Tagalog.
Anak ng mayor ang role na ginagampanan ni Zyrus sa pelikula at kasama siya sa production bilang assistant director.
Ang palabas ay tungkol sa pagkakatuklas ng isang alkalde na ang kanyang pag-angat sa kapangyarihan ay binuo sa pamamagitan ng karahasan at manipulasyon. Haharapin niya ang arkitektong humubog sa kanyang buhay—habang ang kanyang anak, na napilitang saksihan nang malapitan ang takbo ng sistema, ay kailangang magpasya kung ipagpapatuloy ang kinalakihang kalakaran o tatalikuran habang dahan-dahang tumataas ang baha sa bayan.
Maganda ang pagkakagawa ng pelikula at hitik sa aral na babaunin ng mga manonood.
Mapapanood ito sa GMA7 Cebu Lenten Special sa April 3, 2026.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com