Thursday , March 19 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Escano My Husband Is a Mafia Boss

Direk Fifth pinuri mga artista sa My Husband Is A Mafia Boss

MATABIL
ni John Fontanilla

PURING-PURI ni Direk Fifth Solomon ang cast ng Viva One series na My Husband Is A Mafia Bossna pinagbibidahan nina Rhen Escan̈o at Joseph Marco na mapanood sa April 1.

Ayon nga kay Direk Fifth, “For me kasi 90 percent of directing is casting, kapag tama ‘yung naka-cast sa role, parang mapapadali na ‘yung trabaho ko.”

Dagdag pa nito, “And for me swak na swak naman ‘yung roles sa main o sa supporting. Then nararamdaman ko rin ‘yung hunger nila sa set talagang they watch sa monitor, pinapayagan ko rin naman sila, ‘yung iba kasing director mahigpit eh.

“So, ako naman pinapayagan ko silang lahat  mapanood nila para maintindihan nila ‘yung proseso, kung paano ba siya isinu-shoot, kung ano pang kailangan sa character mo, parang ganoon.

Tapos, for me kasi mas mahirap ‘yung comedy kaysa drama, kasi ‘yung comedy dapat may timing ka, kung wala kang timing corny.”

Ibinahagi rin ni direk Fifth na nagtutulungan sila ng buong casts para mapaganda ang kanilang trabaho, lalo na si Rhen na napasabak sa pagkoko-comedy.

So, nagtutulungan talaga kami, nagko-collaborate kami, especially sa role ni Rhen dito. Talagang inilalabas namin ‘yung fun side without bordering na cringe, dapat tamang timpla kasi mahirap talaga ang comedy as in.

“So, dapat comedian ka in real life ganoon.” 

Base naman sa napanood naming trailer ng My Husband Is A Mafia Boss, maganda ito at napakahusay ng mga artistang kasama  lalo na si Rhen at Joseph Marco.

Makakasama nina Marco at Rhen sa pelikula sina Sara Joe, Frost Sandoval, Kyosu Guinto, Maru Delgado, PJ Rosario, R-Ji Lim, Jaime Yllana, Icee Ejercito, Aaliyah Coco, at Dann Aquino.

Ang My Husband is a Mafia Boss is based on the Wattpad sensation by YANALOVESYOUU. Mapapanoof na this April 11 exclusively on Viva One.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Cecille Bravo Miles Obra Geleen Eugenio D4E

Cecille Bravo at Miles Obra sanib-puwersa para sa DISCO FOREVER (D4E), hahataw na sa March 21

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio Sina Cecille Bravo at Miles Obra ay nagsanib-puwersa para sa …

Robb Guinto Louie Ignacio

Robb Guinto, pinayohan ni Direk Louie Ignacio, gawing inspirasyon sina Jaclyn Jose at LT

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINAARTE nang todo ang sexy actress na si Robb Guinto …

Aiko Melendez Onemig Bondoc oneko

Onemig, AiKo loveteam ang peg sa kumakalat na merch

I-FLEXni Jun Nardo ABA, loveteam ang peg ng lovers na sina Aiko Melendez at Onemig Bondoc, huh! May …

Donny Pangilinan gas attendant

Donny magbibigay-discount sa kanilang gasolinahan 

I-FLEXni Jun Nardo UMANI ng papuri ang aktor na si Donny Pangilinan dahil sa post ng father …

Alfred Vargas

Alfred isinusulong mahigpit na Anti-Bullying Ordinance sa QC  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANAWAGAN si Quezon City Councilor Alfred Vargas para sa isang komprehensibong pagsusuri at …