SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
NASUNGKIT ng Pinay American cinematographer Autumn Durald Arkapaw sa kauna-unahang pagkakataon ang Best Cinematography para sa pelikulang Sinners sa katatapos na 98th Oscar Academy Awards.
Siya rin ang kauna-unahang babae na nakakuha ng naturang award at ang kauna-unahang “woman of color” na nakasali sa nominasyon ng naturang katergorya.
Si Autumn ay ipinanganak sa California sa inang Filipina at amang Black American. Lumaki sa San Francisco at nag-aral ng art history sa Loyola Marymount University. Gradweyt din siya ng American Film Institute Conservatory at natapos ang kanyang MFA in Cinematography noong 2009.
Masayang-masaya si Autum sa kanyang pagwawagi na ang pagkapanalo ay inialay niya da lahat ng kababaihan sa industriya ng pelikula.
“I’m so honored to be here. And I want all the women in the room to stand up because I feel like I don’t get here without you, guys.
“I really really, truly mean that. I felt so much love from all the women in this whole campaign,” wika ng Pinay cinematographer.
Ang pelikulang Sinners ang pangalawang kolaborasyon ng Pinay sa direktor na si Ryan Coogler, kasunod ng Black Panther: Wakanda Forever noong 2018.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com