Wednesday , March 18 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robb Guinto Louie Ignacio

Robb Guinto, pinayohan ni Direk Louie Ignacio, gawing inspirasyon sina Jaclyn Jose at LT

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PINAARTE nang todo ang sexy actress na si Robb Guinto ng award- winning director na si  Louie Ignacio sa pelikulang “Desperada”.

Kuwento ni Robb, “Ang role ko po rito ay si Brenda, isang babaeng lumaki sa pang-aabuso at pinilit na ibenta ng sariling ama hanggang nawala sa sarili.

“Dito sa movie, talagang ibinigay ko po ang lahat, ang buong effort talaga and of course sa mahihirap na bagay, nandoon po si Direk para alalayan ako. Kaya sobrang pasalamat ako kay direk dahil talagang pinilit niyang palabasin ang mga hindi ko inaakalang kaya ko pang ibigay para sa movie na ito.”

Wika pa ni Robb, “Sobra po akong na-challenge rito, lalo na kapag umoorder si direk ng luha, hahaha!”

Itinuturing ng sexy actress na isang art film ang Desperada. “Para sa akin po, ang movie ni direk Louie, it’s really an art. Bawat frame ay napakaganda po at ipinapakita rin dito ang reality ng bansa natin.”

Sa nakapanood ng trailer ng kanilang pelikula, may nagsasabing may chance si Robb sa Best Actress award. At dahil marami nang project si Direk Louie na ang mga artista niya ay nanalo ng award, inusisa namin siya kung sa palagay niya may laban ba si Robb dito?

Esplika ni Direk Louie, “Sa isang festival, hindi mo malalaman ang panlasa ng mga hurado. Pero personal, habang idinidirek ko si Robb Guinto, taas ang kamay ko sa kanya, magaling na artista si Robb.”

Ano ang reaksiyon ni Robb dito? “Para akong iiyak direk, sobrang thankful ako kay direk dahil hindi niya ako pinabayaan during sa shooting.

“Nakakaiyak direk, kasi pinagkatiwalaan mo ako rito. Kumbaga, ang daming direktor na po ang nakatrabaho ko, parang dito naniwala at nagtiwala sa akin si Direk Louie na… Imagine, maraming magagaling na artista, bakit ako na galing sa VMX, ako ang napili ni Direk Louie para sa pelikulang ito? Kaya sobrang thankful ako sa kanya, kasi ibinigay niya sa akin ang project na ito,” naiiyak na wika pa ng aktres.

Tugon dito ni Direk Louie, “Idagdag ko lang, sabi ko sa kanya (Robb) nang nagsimula kami ng shooting, lagi mong isipin saan nanggaling si Ms. Jaclyn Jose, saan nanggaling ang mga sikat na artist tulad ni Lorna Tolentino? Lahat sila ngayon ay great actors…

“So, hindi masama ang mangarap, malay mo ikaw ang sumunod, Kahit nanggaling ka sa Vivamax, huwag mong iisipin na ang pagpapa-sexy ay hanggang doon na lang. Ang lahat ng actors na magagaling ay puwedeng sumikat at puwede kang sumikat, sabi ko sa kanya.”

Handog ng LDG Production nina Lito de Guzman at Daniela Carolino, ang Desperada ay entry sa Sinag Maynila Independent Film Festival na mapapanood sa mga sinehan sa Metro Manila sa March 23-29, 2026.

Tampok din sa pelikula ang real-life boyfriend ni Robb na si Yas Marta, Mhack Morales, Sue Prado, Marife Necesito, at Mercedes Cabral. Plus, ang newcomers na sina Julianne Richards at Jorge Guda.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Yuki Sonoda Kelley Day All About Her

Yuki Sonoda at Kelley Day, nakaka-relate sa filmfest entry na “All About Her” 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG mga Pinoy na mahilig sa beauty contest ay dapat …

Jeric Gonzales Elizabeth Oropesa Graduation Day

Jeric at Elizabeth tampok sa pelikulang “Graduation Day” showing na sa March 18

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATINDING drama na aantig at kukurot sa puso ng moviegoers …

Alex Castro Sexbomb Sunshine Garcia

VG Alex sa muling pagsasama ng Sexbomb — nakita  ko ‘yung saya sa asawa ko

RATED Rni Rommel Gonzales PHENOMENAL ang muling pag-arangkada ng career ng Sexbomb Girls, pruweba ang limang sunod-sunod …

Ervic Vijandre Dingdong Dantes

Dingdong at Ervic paghaharap, iniintriga

I-FLEXni Jun Nardo MAGING kami ay nagulat nang makita namin na guest sa Family Feud ang actor-politician …

Elias TV Sang-gre

Elias TV mapapanood sa Sang-gre 

I-FLEXni Jun Nardo PASOK sa GMA fantaserye na Sang-gre ang singer na si Elias TV. Ipinakita na ang teaser ng pagiging …