MATABIL
ni John Fontanilla
IKINASAL na ang komedyanteng si Divine Aucina sa kanyang Filipino American partner na si Adam Budnik sa isang simple at intimate ceremony.
Ibinalita at ibinahagi ni Divine ang kanyang dream wedding sa kanyang Facebook account kasama ang mga larawan na may caption na: “Thank God for giving me the wedding I have always dreamed of—beautiful, intentional, grounded at its core with these wonderful souls nonetheless.”
Dagdag pa nito, “I would never trade this moment for anything in the world.”
Sinabi pa ng komedyante na, “Ang dami niyong nagdidiwang para sa amin. Salamat po, nakaka-happy. Iisahin ko kayong lahat.
Hindi pwedeng hindi! Salamat po sa inyo. 🤍” Javi & Divine.
Binati rin si Devine ng kanyang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com