Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, na makikilala ang mas relatable na Korina Sanchez-Roxas sa bagong Face to Face to Face with Ate Koring— isang bagong season na sadyang ginawa para sa mga nanay at mga kumare. 

Matutunghayan si Korina bilang “Ate Koring” ng lahat, isang mapagkakatiwalaang ka-nanay na madaling lapitan para sa payo, inspirasyon, at mga praktikal na tips sa pang-araw-araw na buhay.

Ang Face To Face with Ate Koring ay magsisilbing ‘safe space’ para sa bawat kumare at ka-nanay na magbibigay ng lakas ng loob, mga bagong kaalaman, at mga oportunidad sa negosyo na makatutulong sa mga maybahay na umunlad mula sa kanilang sariling tahanan. 

Si Ate Koring ang bagong relatable kumare ng mga Kapatid viewers – isang kaibigan na puwede nilang lapitan at kuwentuhan ng kanilang mga karanasan sa buhay. 

Ang Face to Face with Ate Koring ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa TV5. Hatid nito ang mga segment tulad ng5K For You na isang nakaaantig na public service segment na maaaring magpadala ang mga manonood ng selfie video para i-nominate ang isang “karaniwang tao” na nangangailangan ng tulong, at agad siyang makatatanggap ng PHP5,000 na tulong pinansiyal.

Ang Ihain Na Yannaman ay isang masaya at nakatatakam na segment na makakasama ni Ate Koring ang mga imbitadong culinary enthusiasts para maghanda ng masasarap na putahe, magbahagi ng mga tip sa pagluluto, at gawing masaya at puno ng kaalaman ang bawat putahe. 

Isang nakai-inspire at puno ng pangarap na segment para sa mga maybahay ang hatid naman ng Misis Waisna magbabahagi ng mga bagong paraan para kumita, tips sa financial management, at pag-develop ng mga kakayahan sa negosyo. Magbibigay si Ate Koring ng malinaw na gabay sa bawat hakbang, upang ang mga simpleng idea ay maging tulay sa mas maginhawang buhay. 

Sa Baby Bibosegment, pupunuin ni Ate Koring ng saya at tawa ang bawat sandali habang nakikipag-bonding sa mga cute na mga batang may kakaibang talento. Makikilala rito ang isang masayahin at maalagang Ate Koring. 

At ang panghuli, ang Alagang Ate Koringay naglalayong gabayan ang kababaihan tungo sa best version of themselves. Sa segment na ito, ibabahagi ni Ate Koring ang mga praktikal na tips at tutorial upang manatiling malusog, mukhang bata, at stylish in a very affordable way. Mula sa beauty hacks at fashion tips hanggang sa self-care routines, hinihikayat ni Ate Koring ang mga nanay at maybahay na pahalagahan ang sarili habang pinananatiling matibay at masaya ang kanilang araw-araw na buhay.

Sasamahan si Ate Koring nina radio DJ at TV personality Laila Chikadora, content creator at financial literacy advocate Cheena Crab a.k.a Pera Godmother, at ng aktor at host na si Ryle Santiago. Sama-sama silang maghahatid ng saya at mga kapana-panabik na bagong kaalaman sa bawat episode ng Face To Face with Ate Koring — mapapanood Lunes hanggang Biyernes simula March 16, 11:00 a.m., sa TV5.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Jillian Ward Sparkle GMA

Jillian muling pumirma ng kontrata sa GMA

RATED Rni Rommel Gonzales SA renewal ng kontrata ni Jillian Ward sa Sparkle GMA Artist Center ay natanong ang …

Ahtisa Manalo Sparkle GMA

Ahtisa Manalo dream leading man si Alden Richards

RATED Rni Rommel Gonzales BAGONG talent ng Sparkle GMA Artist Center ang beauty queen na si Ahtisa Manalo. …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …