Thursday , June 4 2026
Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong emergency powers sa Pangulo upang pansamantalang masuspinde o mabawasan ang fuel excise tax sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, basta’t may malinaw na hangganan, takdang panahon, at mahigpit na oversight mula sa Kongreso.

Ayon kay Poe, kinakailangan ng mabilis ngunit responsable at may pananagutang aksiyon upang maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng gasolina at diesel sa mga Filipino.

“Swift action. Clear limits. Real relief. Iyan ang hinihingi ng sitwasyon ngayon.”

Aniya, muling tumataas ang presyo ng langis na direktang nagpapahirap sa mga drayber, magsasaka, at bawat pamilyang Filipino. Bawat pagtaas ng presyo ng krudo ay nangangahulugan ng mas maliit na kita para sa mga jeepney driver, mas mahal na transportasyon ng mga produkto, at mas mataas na presyo ng pagkain sa hapag-kainan.

“Kapag tumataas ang presyo ng langis, direktang tama ito sa bulsa ng mga Filipino.”

Ipinahayag ni Poe na bukas siya sa pagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo upang pansamantalang suspendihin o bawasan ang fuel excise tax sa panahon ng matitinding pagtaas ng presyo, ngunit iginiit niyang hindi ito dapat maging “blank check”.

Aniya, anumang emergency power ay dapat may malinaw na saklaw, may takdang panahon, at sumailalim sa mahigpit na pagsusuri ng Kongreso.

Naniniwala si Poe na sapat na ang dalawang buwan bilang paunang panahon ng ganitong kapangyarihan. Pagkatapos nito, dapat magsagawa ang Kongreso ng pormal na review upang matukoy kung kinakailangan pang ipagpatuloy ang naturang kapangyarihan ng Pangulo at kung dapat bang manatili ang suspensiyon ng excise tax.

Ang emergency powers dapat ay may malinaw na hangganan.

Dagdag ni Poe, matagal na rin tinutugunan ang isyu sa estruktura ng fuel supply chain. Nauna na niyang inihain ang House Bill No. 7873 na naglalayong alisin ang hindi na napapanahong bond requirement para sa refined petroleum importers sa ilalim ng Section 160 ng National Internal Revenue Code, at ang House Bill No. 7874 na naglalayong i-rationalize ang withholding tax rate sa refined petroleum products sa ilalim ng Section 57 ng NIRC.

Layunin ng mga panukalang ito na mabawasan ang mga structural pressures sa fuel supply chain at makatulong sa pagpapatatag ng presyo ng langis sa mas mahabang panahon.

Gayonpaman, diin ni Poe, ang agarang prayoridad ay ang mabilis na pagbigay ng ginhawa sa mga sektor na pinakaapektado ng pagtaas ng presyo ng langis.

“Sa ngayon, ang pinakamahalaga ay agarang tulong. Hindi na kayang maghintay ng mga drayber at mahihinang sektor ng lipunan.

“Aksiyon ngayon, may malinaw na hangganan at tunay na pananagutan.” (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …