Thursday , June 4 2026
Arbois Hallasgo Tokyo Marathon
SINA Pocari Sweat ambassadors Arlan Arbois Jr. at Christine Hallasgo matapos ang matagumpay na kampanya sa 42-kilometrong karera nitong Linggo sa Tokyo Marathon na pinangunahan ng elite African athletes. (Photo release)

Arbois, Hallasgo kumikig sa Tokyo Marathon; SEA Games record binura

MISTULANG patunay sa matikas na pagbabago ang pamosong Tokyo Marathon nang kapwa umukit ng gintong medalya sina Pocari Sweat ambassadors Arlan Arbois Jr. at Christine Hallasgo matapos ang matagumpay na kampanya sa 42-kilometrong karera nitong Linggo na pinangunahan ng elite African athletes.

Si Arbois, ang silver medalist sa Southeast Asian Games sa Bangkok, ay nagtala ng kahanga-hangang 2 oras, 19 minuto at 57 segundo sa men’s division na pinangunahan ng Ethiopian standout na si Tadese Takele (2:03:37).

Samantala, tinawid ni Hallasgo ang finish line sa oras na 2:42:13 sa women’s race na pinangunahan ng Kenyan star na si Brigid Kosgei, na nagtala ng 2:14:29 at sinira ang dating marka ni Asefa Kebede (2:15:55) na naitala noong nakaraang taon.

Bagama’t ang atensyon ay nabibilang sa pinakamahuhusay sa Africa, tahimik na nakagawa ng sarili nilang mga milestone ang mga Pilipinong mananakbo.

Malaki ang naging pag-unlad ni Arbois mula sa kanyang SEA Games silver-medal time na 2:30:19 — na mahigit 10 minuto ang layo sa kanyang marka. Nahigitan pa nga ng kanyang Tokyo clocking ang  SEA Games gold medal time na 2:27:33 na naitala ni Robi Sylanturf ng Indonesia, na nagpapakita ng kanyang patuloy na pag-angat sa long-distance scene ng rehiyon.

Ipinakita rin ni Hallasgo ang kanyang progreso, na muling itinaas ang kanyang SEA Games performance na 2:57:22 sa pamamagitan ng malaking pag-unlad sa oras sa Tokyo.

“This is more than just a race result. It’s proof that our athletes are closing the gap and can compete with the best in the world,” pahayag ni Otsuka Pharmaceutical President and Managing Director Ken Saito. “We are proud of Arlan and Christine for pushing beyond their limits. Pocari Sweat remains committed to supporting Filipino athletes in their pursuit of excellence.”

Sinabi ni Arbois na ang karanasan sa pagtakbo kasama ang mga piling marathoner sa mundo ay nagbigay ng mahahalagang aral.

Dahil sa kanilang mga nabagong personal best sa isa sa pinakamalaking yugto ng marathon sa mundo, patuloy na pinalalakas nina Arbois at Hallasgo ang presensya ng Pilipinas sa internasyonal  road racing. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …