ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si Margaret Diaz na ibinando niya na numero-uno sa VMX app ang pelikulang “Warat” na tinatampukan nila ng hunk aktor na si Itan Rosales.
Ito ang FB post ni Margaret: “Yey top 1 kahit ‘yung balahibong pusa nanjan padin! THANKYOUUU!”
Sa aming panayam sa FB sa magandang talent ni Ms. Len Carrillo, aminado ang dalaga na ang Warat ang pinakaseksing pelikula na nagawa niya.
Pahayag ni Margaret, “Honestly, it’s this movie. Aside from the scenes, ‘yung mismong pag-step out ko sa comfort zone ko at pag-embrace sa role na ito ang pinaka-sexy na nagawa ko so far.”
Gaano siya ka-sexy sa Warat? “I would say, ibinigay ko talaga lahat! Pero more than just the physical, ‘yung pagiging “sexy” ko rito ay nasa confidence at sa emosyon na dinala ko sa aking character na ginampanan dito.
“It’s a different kind of palaban, ‘yung tipong hindi lang sa balat nakukuha, kundi sa tingin at sa presence.
Paano niya ide-describe ang kanilang love scene ni Itan?
Tugon ni Margaret, “Our scene was intense pero tasteful. Sobrang naging comfortable ako kay Itan, kasi napaka-professional niya, kaya lumabas na natural ‘yung chemistry namin.
“Hindi lang siya basta ‘hubaran’ it was more about the connection and the heat of the moment between the characters. Ramdam mo talaga ‘yung story sa execution and character.”
Nagsimula nang magpainit sa marami ang pelikulang Warat noong Feb. 27 kaya manood na. Ito ay ay mapapanood exclusively sa VMX PH.
Handog ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo, tampok din dito sina Christy Imperial, Marco Gomez, Elmo Elarmo, Jr. at iba pa. Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Christian Paolo Lat.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com