MATABIL
ni John Fontanilla
INILUNSAD sa katatapos na Huwarang Filipino Awards, Outstanding Men and Women, at Outstanding Youth of the Philippines na ginanap sa Music Museum, Greenhills noong February 27, 2026 ang kauna- unahang Bravo Advocacy Awards ni businesswoman and philanthropist Cecille Bravo.
Ilan sa unang mga nakatanggap ng Bravo Advocacy Award na iginawad nina Ms Cecille, Ms Lyn Bautista, at Richard Hin̈ola ayang mga organisasyong tumutulong sa ating mga kapwa Filipino. Ang mga ito rin ay nangangailangan ng agarang tulong tulad ng Empowered women Ph., Poject KKK, Yakap, at ang Comedian na si Cocoa na na-stroke at namatayan ng anak.
Bukod sa trophy ay nakatanggap ng P20k ang bawat organization na galing kina Ms Cecille at Ms Lyn.
Parehong Huwarang Filipino Awardee sina Ms Cecille at Ms Lynn na parehong matagumpay na negosyante, beauty queen, at philanthropist.
Kasabay din nilang tumanggap ng award ang anak ni Ms Lynn na si Gail Salazar.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com