I-FLEX
ni Jun Nardo
KAPWA Kapuso sina Caprice Cayetano at Heath Jornales kaya naman hindi sila puwedeng first placer sa PBB Collab 2.0 ng Kapuso at Kapamilya Network.
Eh sa resulta ng big winners, si Caprice ang nanalo sa Kapuso habang si Lella Ford naman ang winner mula sa Kapamilya.
Eh sa 18 months sa Bahay ni Kuya ng teen housemates, nabuo ang CapHeath (Caprice at Heath). Ultimo nga ang GMA executive na si Atty. Annete Gozon-Valdez eh kinikilig sa chemistry ng dalawa, huh!
Pero hindi mabibigo ang CapHeath fans dahil paglabas nila sa Bahay ni Kuya, may teleseryeng agad na gagawin nila. Ito ay ang family drama na Pangarap Na Ginto.
Ang iba pang Kapuso winners ay sina Ashley Sarmiento – 4th placer; Princess Aliyah – 3rd placer, at Heath – 2nd placer.
Ang winners sa Kapamilya ay sina Joaquin Arce – 4th placer; Miguel Vergara– 3rd; Krystal Mejes– 2nd; Lella – 1st.
Congratulations!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com