Monday , March 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cecille Bravo PAFTA

Ms. Cecille Bravo, ginawaran ng Social Impact Leadership Award sa PAFTA

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

TUMANGGAP si Ms. Cecille Bravo, Vice President for Finance and Administration ng Intele Builders and Development Corporation ng Social Impact Leadership Award sa unang Philippine Arts, Film & Television Awards (PAFTA). Ang event ay ginanap last February 21 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Sa kanyang acceptance speech, ito ang ipinahayag ni Ms. Cecille:

“Congratulations and more power to you, marami pa rin sana kayong… like ngayong na-recognized, na talaga namang mapapasama ako sa mga nandoon na personalities and I’m very thankful. And of course kay God, na may we continue to do the good things that we have started.

“Na ma-influence pa natin ang iba, ma-inspire pa natin ang iba to be better, let’s prove to others na iba ang Filipino, iba ang Pinoy, so God bless us all. Thank you.”

Sa panayam ng press sa kanya, nabanggit ni Ms. Cecille na inspirasyon sa kanya ang mga natatanggap na parangal.

Aniya, “Ito as always sinasabi ko nga, lagi akong nai-inspired. Ito bagong award giving-body, tapos ay iyong ma-recognized ka agad, siyempre, kakaiba.

“At nang nakita ko ang lahat ng mga binigyan nila ng awards, my God! Talagang ang mga personalities, mga celebrity, and even part ng business world, talagang lahat ay may sinasabi. Even iyong sa politics, right?

“So, I really hope na kami naman, we will earn our keep dahil kami nga ay nabigyan ng recognition. We will continue to inspire and show that it’s always nice to do something good.”

Dagdag ng magaling at generous na businesswoman, “Hindi ba lagi ko ngang sinasabi, ‘Dream big, start small.’ And always be thankful to God for everything na ibinibigay Niya sa atin.”

Bukod sa pagiging kilalang negosyante, si Ms. Cecille ay isang philanthropist at producer din ng pelikula.

Anyway, big winner sa unang PAFTA sina Coco Martin as Best Drama Actor for “FPJ’s Batang Quiapo”, samantala si Marian Rivera ang sumungkit ng Best Actress para sa pelikulang “Balota”. Tinangggap din dito ni Coco ang Best Drama Series para sa kanyang serye.

Naging maningning ang gabi ng parangal lalo sa pagdalo nina Coco, Marian, Martin Nievera, Andres Muhlach, Kai Montinola, Matt Lozano, Ian de Leon, atbp. Nagsilbing hosts sa event sina Ara Mina at Gelo Buencamino.

Ang PAFTA ay binubuo nina Dr. Billy James Uy (Chairman of the Board), Teresita Tolentino Pambuan (President & Founder), Christina U. Aliada (Executive Vice President), Charlemagne Arceta (Vice President), Atty. Jocelyn Reyala (Corporate Secretary), Jenalyn Aliada (Secretary), Rafy Gellang (Treasurer), Edward Ralph Santos (Auditor), Nico lizardo (PRO).

Ang misyon ng PAFTA ay para igawad ang kahusayan, kilalanin ang individual distinction at isulong ang malikhain at kultural na buhay ng bansa sa pamamagitan ng pagdiriwang ng natatanging tagumpay sa pelikula, telebisyon, teatro, modeling at performing arts.

Kinikilala rin ng PAFTA ang makabuluhang kontribusyon sa pamumuno sa kultura, serbisyo publiko at pagkakawanggawa. Pinaparangalan din ang mga indibiduwal at institusyon na ang trabaho ay nagpapasigla sa mga komunidad at nagpapalakas sa bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ice Seguerra

“The Journey Comes Home: Ice Seguerra Live,” mamayang gabi na sa New Frontier Theatre

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NGAYONG Biyernes, February 27, ang acclaimed na singer-songwriter at actor …

V. Mapa HS 2026 Grand Alumni Homecoming and Blue Falcon Awards

2026 Grand Alumni Homecoming and Blue Falcon Awards matagumpay

MATABILni John Fontanilla MEMORABLE at engrande ang 2026 Grand Alumni Homecoming and Blue Falcon Awards ng V. Mapa High …

Alice Dixon

Alice ibinahagi sikreto ng pagiging mukhang bata 

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ni Alice Dixon ang kanyanv sikreto, kung bakit at the age of 56 …

Atty Vince Tañada Philstagers Bonifacio Ang Supremo

Philstagers iniikot Bonifacio: Ang Supremo, gagawa rin ng 5 pelikula sa AQ Prime

HARD TALKni Pilar Mateo ITO ang sabi ni Atty. Vince Tañada. “Totoo nga sigurong isa ako …

Heart Evangelista

Heart ninakawan sa Paris

I-FLEXni Jun Nardo WALA pang ibinibigay na statement galing kay Heart Evangelista kaugnay sa report ni Ogie Diaz na nanakawan …