Thursday , June 4 2026
PSC Sepak Takraw
NAGKAISA ang mga isports opisyal sa pangunguna ni Sepak Takraw president na si Karen Caballero (ikalawa mula kaliwa) para sa tagumpay ng pagho-host ng kauna-unahang U19 Asian Sepak Takraw Championships sa ginanap na press conference sa Rizal Memorial Sports Complex nitong Miyerkules. Kasama niya (mula kaliwa) sina Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Walter Torres, chairman John Patrick Gregorio, at Asian Sepak Takraw Federation secretary general Muhammad Fariq. (HENRY TALAN VARGAS)

PH, Magho-host ng Kauna-unahang U19 Asian Sepak Takraw Championship

MANILA — Nakatakdang mag-host ang Pilipinas ng kauna-unahang U19 Asian Sepak Takraw Championship mula Nobyembre 18 hanggang 25 sa makasaysayang Rizal Memorial Coliseum sa Maynila.

Tinatayang mahigit 600 atleta mula sa 12 hanggang 16 bansa ang lalahok sa torneo na magtatampok ng mga kategoryang regu, quad, at mixed quadrant.

Ayon kay Karen Caballero, pangulo ng Pilipinas Sepak Takraw, malaking karangalan para sa bansa ang mapagkatiwalaan sa pagho-host ng nasabing paligsahan.

“Malaki at espesyal ito para sa amin dahil ipinagmamalaki namin ang bawat pagkakataong makapag-host ng ganitong prestihiyosong torneo,” pahayag ni Caballero sa isinagawang press conference sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.

Dumalo rin sa naturang pagtitipon sina Philippine Sports Commission chairperson John Patrick Gregorio at commissioner Walter Torres, gayundin si Asian Sepak Takraw Federation deputy secretary general Muhammad Fariq.

Hinimok naman ni Gregorio ang patuloy na pagsusulong ng sepak takraw sa bansa.

“Kung may pagkakataon tayong makatulong sa pagpapalaganap ng sepak takraw, dapat natin itong gawin,” aniya.

Matatandaang sinuportahan ng PSC ang matagumpay na pagdaraos ng bansa ng iba pang malalaking international sporting events noong nakaraang taon.

Samantala, iginiit ni Fariq na ang torneo ay magsisilbing simula ng mas maaliwalas na kinabukasan para sa mga kabataang atleta.

“Isa itong mahalagang hakbang tungo sa paghubog ng mga susunod na superstar,” aniya. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …