Thursday , June 4 2026
Tess Mamac

Sa Angeles, Pampanga
Bangkay ng missing wife ng ex-Tserman, nahukay sa loob ng sariling bakuran

KINOMPIRMA ng mga awtoridad ang pagkakatagpo sa isang bangkay na pinaniniwalaang ang nawawalang asawa ng dating kapitan ng barangay sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Linggo, 15 Pebrero.

Ayon sa ulat, ang natagpuang bangkay ay posibleng kay Tess Mamac na nahukay sa loob ng Mamac family compound sa naturang lungsod.

Napag-alamang natagpuan ang mga labi na nakabaon nang tinatayang anim na talampakan ang lalim malapit sa bahay ng tinaguriang si “Doc Manuel,” kasunod ng mga bagong lead na nabuo sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Dumalo sa isinagawang excavation sina Angeles City Mayor Jon Lazatin, CD Col. Villarosa, mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), at si Barangay Captain PG Ponce, kasama ang ilang kaanak ng pamilya.

Mahigpit na isinara ng pulisya ang lugar at hindi pinahintulutang makapasok ang sino man habang isinasagawa ang forensic examination sa mga natagpuang labi.

Si Mamac ay asawa ng dating kapitan ng Barangay Balibago na si Tony Mamac, at naunang naiulat na nawawala na nagdulot ng pangamba sa komunidad.

Nag-alok din ng P200,000 pabuya si Pampanga 1st District Representative Carmelo Lazatin, Jr., para sa impormasyong makatutulong sa paghahanap.

Sa ngayon ay itinuturing na person of interest ang isang alyas “Doc Manuel,” na matagal na driver ng pamilya, na iniulat na nawawala rin.

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon habang hinihintay ang resulta ng autopsy at pormal na pagkilala sa mga labi. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …