Thursday , June 4 2026
Bulakan Bulacan

Babaeng may kasong estafa timbog sa Bulakan, Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang babaeng nakatala bilang ‘Other Wanted Person’ para sa kasong estafa sa bisa ng warrant of arrest sa bayan ng Bulakan, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 14 Pebrero.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Rodelisa San Bunaventura, hepe ng Bulakan MPS, kinilala ang suspek na si alyas Ann, 45 anyos, residente sa Brgy. Bambang, sa nabanggit na bayan.

Dinakip ang suspek ng tracker team ng Bulakan MPS sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong estafa na nilagdaan ni Presiding Judge Ma. Peaches C. Mesina-Cruz ng Rosario, Cavite MTC, may petsang 3 Pebrero, 2026.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Bulakan MPS ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago ito i-turnover sa hukuman na naglabas ng warrant para sa pag-isyu ng commitment order.

Pahayag ni P/Col. Angel Garcillano, provincial director ng Bulacan PPO, patuloy ang pinaigting na operasyon ng pulisya laban sa mga indibiduwal na may kinahaharap na kaso upang matiyak na sila ay mapanagot sa batas at mapanatili ang kaayusan sa komunidad. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …