MATABIL
ni John Fontanilla
MAY panawagan ang lead actress ng pelikulang Batang Paco na si Ai Ai Delas Alas ngayong February 14 l, Valentine’s Day.
Sa kanyang Tiktok kasi ay pabirong sinabi nito na kung may gustong makipag-date sa kanya sa Valentine’s day.
Pero kailangan at 45 to 65 years old, pogi, at handang magbayad ng kakainin nila.
“Hello! May gusto ang makipag date sa akin sa Valentine’s day? Post niyo dito sa Tiktok,” anito sa isang video.
Dagdag pa nito, “Sige, age 45 and hanggang 65, ‘yan pwede ‘yan. ‘Yung 45 to 50, wala ‘yang requirements. Ay siyempre gusto ko pogi tapos siya magbabayad ng pagkain namin.”
Pero kung 50 years old and above ay may requirements ito.
“Pero ‘yung 50 to 60 and above, kailangan makita ko, 10 burpees, 15 push up, 10 pull ups, and 5 kilometer run. Video n’yo ‘yan ha, tapos tignan ko kung pogi kayo ha at strong. Go!”
Anyway, this coming Feb. 18 na mapapanood sa mga sinehan ang pelikulang Batang Paco with Empoy Marquez, Kim Rodriguez, Ynez Veneracion, ChiChi Rita, Mon Confiado, Cassie Lavarias, Richard Quan atbp. sa direksiyon ni Rechie Del Carmen at hatid ng MiVida Productions.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com