Thursday , June 4 2026
P47-M illegal yosi 2 abandoned van

Sa patuloy na follow-up ops
P47-M ilegal at puslit na yosi nasamsam sa 2 abandanong van

NASABAT ng mga awtoridad ang dalawang van na naglalaman ng mga ilegal at puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng mahigit P47 milyon sa lungsod ng Tarlac.

Napag-alaman na sinubukan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Tarlac Provincial Field Unit at iba pang mga yunit ng pulisya na makipagtransaksiyon sa pinaghihinalaang supplier sa isang itinalagang lokasyon sa Brgy. Tibag, nitong Martes ng umaga, 10 Pebrero.

Gayonman, hindi sumipot ang supplier sa itinakdang araw ng transaksiyon hanggang suriin ng mga operatiba ang lugar at natuklasan ang isang wing van at isang closed van, parehong walang nagbabantay, na nakaparada malapit sa lugar.

Nang imbestigahan ng mga awtoridad ang dalawang sasakyan ay nakasamsam sila ng 683 kahon ng pinaghihinalaang mga smuggled na sigarilyo na tinatayang P47.53 milyon ang halaga. Agad dinala sa tanggapan ng CIDG Tarlac para sa dokumentasyon at wastong disposisyon.

Kasunod nito, sinabi ni PNP Chief Police Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr. ito ay “aktibong paghahanap ng mga lead sa imbestigasyon upang matukoy at matunton ang supplier na pinaniniwalaang nasa likod ng operasyon ng smuggling.” (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …