Thursday , June 4 2026
MTRCB Lala Sotto

Panunumpa sa tungkulin ng dalawang bagong Board Member, pinangunahan ni MTRCB Chair Lala Sotto

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin ng dalawang bagong Board Members noong Lunes, 9 Pebrero 2026, sa MTRCB Liezl Martinez Hall, Quezon City.

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sina Sarah-Ingrid Aurelia B. Sia at Atty. Jerico A. Antonio, kapalit nina Mark Anthony Andaya at Glenn Patricio, na parehong natapos na ang termino sa panunungkulan.

Alinsunod sa Section 2 (Composition; Qualifications; Benefits) ng Presidential Decree No. 1986, ang mga miyembro ng MTRCB ay manunungkulan nang isang taon, pero puwedeng maitalaga muli matapos ang kanilang termino.

Batay sa kanilang appointment na nilagdaan ng Pangulo noong 30 Enero, sina Sia at Antonio ay manunungkulan hanggang 30 Setyembre 2026.

Malawak ang karanasan ni Sia sa marketing, financial planning at organizational operations, bukod sa kanyang  kaalaman sa treasury product marketing na sumasaklaw sa cash management, foreign exchange at investment solutions.

Si Antonio ay isang aktor at producer sa pelikula at telebisyon, at isa rin miyembro ng Philippine Bar, na may matibay na akademikong pundasyon at pormal na kasanayan sa larangan ng batas.

Tiwala si Sotto sa propesyonalismo ng mga bagong Board Member, at binigyang-diin ang mahalagang ambag sa mandato at misyon ng Ahensiya.

“Ang kanilang propesyonal na karanasan, integridad at mga bagong pananaw ay lalo pang magpapatibay sa pangako ng MTRCB na isulong ang responsableng panonood,” ani Sotto.

Pinasalamatan din niya sina Andaya at Patricio sa kanilang tapat na paglilingkod sa publiko. “Malaki ang naging ambag nila sa pagsusulong ng ating misyon, at hangad natin ang kanilang patuloy na tagumpay sa mga susunod nilang gawain,” dagdag ni Sotto. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …