Tuesday , February 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Herras Coco Martin

Netizen nanawagan kay Coco, Mark bigyan ng trabaho

MA at PA
ni Rommel Placente

NAG-VIRAL ang crying video ni Mark Herras sa kanyang Instagram page.

May mga nagsasabing isa raw sa dahilan nito, ay ang umano’y pinagdaraanang problema nila ng kanyang asawa.

Ang hinala naman ng iba ay medyo hirap daw ngayon si Mark financially dahil sa kawalan ng regular na trabaho lalo pa’t may binabayaran pa silang bahay.

Inulan ng komento mula sa mga concerned netizen ang video na ito ni Mark:

Sabi ng isa, “Maiiyak ka talaga kapag wala kang pera.”

Ang reaksiyon naman ng isa pa, “Dapat ang mga artista may ibang source of income. Bukod sa pag-aartista para if walang project ‘di nganga.”

”Sana bigyan si Mark ng project sa Kapuso. May mga dance challenge naman sila ba’t ayaw isali si Mark hamak na mas magaling naman siya pagdating sa dance floor,” ayon naman sa isa pa.

Isa sa nakatawag-pansin ay ang komento ng isang netizen na panawagan kay Coco Martin na bigyan ng trabaho si Mark.

Sana maipasok ni Coco si Mark sa ‘Batang Quiapo,’ anito.

Isa sa mga tinulungan ni Coco noon ay si Aljur Abrenica nang mawalan din ito ng work at ipinasok niya ito sa kanyang tv show.

Abangan na lang natin kung mababasa ni Coco ang panawagan na ito ng netizen at ipasok din kaya niya si Mark sa kanyang action-series?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Ice Seguerra Liza Dino Divine Divas Louise Princess Velasco

Fire and Ice Entertainment pinalawak

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISA kami sa natutuwa na malayong-malayo na ang narating ng Fire and …

Lala Sotto MTRCB

Lala Sotto, MTRCB kakampi at ‘di kalaban ng industriya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “KAKAMPI kami ng industriya.” Ito ang binigyang diin ni Movie and Television Review …

Sylvia Sanchez Nathan Studios

Sylvia itinanggi tatakbong mayor ng QC: Hindi nga ako nag-SK, kagawad, kapitan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGITI at natatawa si Sylvia Sanchez nang uriratin namin siya sa paglulunsad ng Nathan …

Ice Seguerra Liza Dino Fire and Ice

Fire and Ice Entertainment nina Ice at Liza, inianunsiyo mga aabangang concerts, music releases, screen projects, at theater productions para sa 2026

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MARAMING kaabang-abang na projects ang ibinalita nina Ice Seguerra at …

CCP Pasinaya 2026

Stories, Workshops, and Performances Take Center Stage at CCP Pasinaya 2026

The Cultural Center of the Philippines (CCP) presents the CCP Pasinaya 2026 Literature Program, a …