Thursday , June 4 2026
arrest, posas, fingerprints

2 tiklo sa pagbebenta ng substandard consumer products

MATAGUMPAY na nagsagawa ng buybust operation ang mga operatiba laban sa mga indibiduwal na sangkot sa pagbebenta ng mga substandard na produkto na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang indibiduwal sa Nueva Ecija.

Ang operasyon ay ikinasa sa pangunguna ni PLt. Colonel Nielmar T. Retana ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Office 3 sa koordinasyon ng Nueva Ecija Provincial Field Unit (PFU) na ikinaaresto ng mga suspek na sina alyas Cholo at alyas Oscar, na mga residente sa Lungsod ng Cabanatuan.

Ang dalawang suspek ay nahuli sa aktong nagbebenta ng mga substandard na produkto sa isang pulis na nagkunwaring buyer, malinaw na paglabag sa Artikulo 10, 18, at 77 ng Republic Act No. 7394, o mas kilala bilang Consumer Act of the Philippines.

Nakompiska sa buybust operation ang 12 piraso ng BTS-1740 Brodu audio speakers at 50 ng LED multifunctional lithium lamp tubes, na nagsilbing buybust items, pati ang isang tunay na P1,000 perang papel na ginamit bilang marked money, 29 piraso ng na P1,000 bill bilang boodle money, isang sales invoice, at 68 iba’t ibang Brodu audio speakers.

Ang kabuuang tinatayang halaga ng lahat ng nakompiskang substandard na produkto ng mga operatiba ay umabot sa (P800,000).

Ayon kay P/Colonel Grant A. Gollod, regional chief ng CIDG Regional Field Unit 3, nananatili silang nakatuon sa pangangalaga sa kapakanan ng mga mamimili at patuloy na hahabulin ang mga indibiduwal na sangkot sa pagbebenta ng mga substandard at hindi ligtas na mga produkto. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …