I-FLEX
ni Jun Nardo
BLESSING in disguise para kay EJ Falcon ang pagkatalo niya bilang congressman sa lugar niya sa Oriental Mindoro.
Alam ni EJ na matindi ang labanan sa posisyon na ‘yon lalo na sa kagaya niyang kulang ang finances noong eleksiyon.
Ikinatuwa ni EJ noong SONA ni PBMM ang pagkakasangkot ng ilang kongresista sa flood control mess. At isa sa iniimbestigahan ang flood control program sa Mindoro.
“Kakampi ko raw ang Holy Spirit sabi sa akin ni direk Lauren (Dyogi). Iniligtas niya ako sa problemang ito,” saad ni EJ.
Ngayon eh balikashowbiz si EJ sa pelikulang Kappa-Tiran na produced ng Mamay Production ni Mayor Mamay Marcos ng Nunungan, Lanao. Kasama niya rito sina Sheryl Cruz, Bembol Roco at ibang mga baguhan sa direksiyon ni Neal “Buboy” Tan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com