Thursday , June 4 2026
PNP HPG Sta Maria Bulacan

Sa Sta. Maria, Bulacan
P10-M ‘hot meat’ nasamsam

NAKOMPISKA ng mga operatiba ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) Regional Office 3 ang 28 toneladang imported na ‘hot meat’ na tinatayang may halagang P10-milyon sa isang checkpoint sa Sta. Maria, Bulacan nitong Linggo ng umaga, 1 Pebrero.

Ayon sa ulat mula sa PNP-HPG Regional 3, dakong 10:00 ng umaga kamakalawa nang pinara nila ang tatlong reefer van dahil naka-blinker lamang ang mga ito at hindi pa nakasuot ng seatbelt ang mga sakay.

Bigong maglabas ng mga kaukulang dokumento ang driver at helper ng mga reefer van para sa pagbiyahe ng mga karne nang sitahin ng mga tauhan ng PNP-HPG.

Ayon sa mga driver ng mga reefer van, ide-deliver nila ang mga kargang karne mula sa bayan ng Sta. Maria patungong Pulilan, Bulacan.

May naipakita umanong dokumento ang mga suspek ngunit hindi sila sigurado kung ito ay para sa mga karga nilang karne.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP-HPG Regional 3 ang tatlong reefer van at mga driver para sa patuloy na imbestigasyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …