RATED R
ni Rommel Gonzales
BAGO ang takutan, kilig muna ang dala sa Iloilo ng mga bida ng upcoming horror film ng GMA Picturesna Huwag Kang Titingin.
Talagang high energy ang ipinamalas nina Charlie Fleming, Sean Lucas, Anthony Constantino, at Allen Ansay sa pakikisaya sa Dinagyang Festival noong January 25.
Tilian ang lahat nang lumabas sa stage ang mga Sparkle artist sa jam-packed Kapuso Mall Show sa Festive Walk Mall. Na para bang hindi napagod ang mga bagets.
Bago kasi ang mall show, dumaan din ang cast sa Freedom Grandstand na ginanap ang Dinagyang Ati Tribe Competition. Dito ay game na nakisaya ang cast sa mga nanood ng kompetisyon.
Abangers na nga ang fans sa susunod na pag-ikot ng mga bida ng horror film na mapapanood na sa sinehan this year. Ang pelikula ay co-produced ng Mentorque Productions.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com