Thursday , June 4 2026
Arrest Shabu

Sa serye ng drug bust, P.9-M shabu nasabat

MULING nagtagumpay ang PRO3 sa kampanya kontra ilegal na droga matapos ang magkakasunod na buybust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng apat na katao at pagkakasamsam ng mahigit 134 gramo ng hinihinalang shabu na tintayang nagkakahalaga ng higit P900,000 mula Biyernes hanggang Sabado, 30-31 Enero.

Sa Mabalacat, Pampanga, nadakip ang dalawang suspek ng pinagsanib na puwersa ng Mabalacat CPS–SDEU at PDEA Region 3 kung saan narekober ang 57 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P387,600.

Samantala, sa Sta. Maria, Bulacan, dalawa pang indibidwal ang arestado ng Sta. Maria MPS–SDEU katuwang ang Bulacan PIU, RIU3, at PDEA Bulacan, kung saan nakumpiska mula sa kanila ang 77 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P523,600, kasama ang marked money.

Pahayag ni P/BGen. Ponce Rogelio Peñones, Jr., regional director ng PRO3, malinaw na layunin ng mga operasyong ito ang protektahan ang mga komunidad laban sa banta ng ilegal na droga.

Nakaangla ang mga operasyon sa PNP Focused Agenda at direktiba ni Chief PNP P/Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., bilang bahagi ng pagpapatupad ng 3Ps — Protect the People, Pursue Peace and Order, at Promote Professionalism.

Patuloy ang panawagan ng PRO3 sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad upang tuluyang masugpo ang ilegal na droga sa Central Luzon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …