Thursday , June 4 2026
Bangkay ng nawawalang pulis natagpuan sa septic tank

Bangkay ng nawawalang pulis natagpuan sa septic tank

NAUWI sa isang malagim na pagkakatuklas ang paghahanap sa isang nawawalang miyembro ng Philippine National Police (PNP) nang matagpuan ang kaniyang wala nang buhay na katawan sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 31 Enero.

Sa ulat na ipinadala kay P/BGen. Ponce Rogelio Peñones, Jr., regional director ng PRO 3, kamakalawa nang madaling araw nang natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ni P/SSg. Renato Casauay, Jr. na itinapon sa loob ng isang septic tank sa isang subdivision sa naturang lungsod.

Naiulat na nawawala noon pang 24 Enero ang 46-anyos na opisyal, na nakatalaga sa PDEG SOU3 at nakatira sa Albama St., sa lungsod ng Baliwag.

Ayon sa ulat mula sa hepe ng pulisya ng Malolos CPS na si P/Col. Rommel Geneblazo, narekober ang labi ng biktima dakong 1:30 ng umaga kamakalawa mula sa likod ng isang bahay sa Felicissima Village, Brgy. Mojon.

Isang saksi na kinilalang si Mark Vincent Delantar, residente ng Hangga St., Brgy. Longos, ang lumapit sa mga awtoridad at itinuro ang isang Julian Salamat, na residente ng Brgy. Sto.Niño, parehong sa nabanggit na lungsod, na umano ay isang asset ng pulis, ang siyang may kagagawan ng krimen.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagpunta ang biktima kasama si P/Cpl. Vivencio Abalos, miyembro ng Malolos CPS, sa bahay ng isang Oliver Paul Mauricio alyas ‘Sampol: upang kunin ang alak na hinihingi para sa kaniyang kaawaran.

Ayon sa ulat, nasa loob din ng bahay si Julian Salamat na napag-alamang biniro ng biktima, bagay na hindi nagustuhan ng suspek na sinasabing ikinapahiya niya sa harap ng mga kaibigan at grupo.

Ang isang simpleng biro ay humantong sa patraydor na pamamaril ng suspek sa pulis na nagresulta sa kaniyang pagkamatay saka itinapon ang kaniyang bangkay sa isang septic tank sa nasabing lugar.

Sa isinagawang operasyon, natagpuan sa lugar ng pinagsamang mga elemento mula sa Malolos CPS, Baliwag CPS, PIB, PIDMB, CIDG, at PDEG SOU3, ang helmet at Givi box ng biktima.

Bagaman nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawang suspek na sina P/Cpl. Abalos at Oliver Mauricio, ang pangunahing suspek na si Julian Salamat, at iba pang kasabwat ay nakaiwas sa pag-aresto at ngayon ay pinaghahanap na.  (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …