AABOT sa 46 na entry ang maglalaban-laban ngayong araw sa grand finals ng kauna-unahang edisyon ng World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby, na gaganapin sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.
Nangunguna sa 4-cock grand finals ang tatlong walang talong entry—RUEDA 5 Gallera de Ligaspe-1, SF JCAR Ebros D’ Jobac-1, at Thunderbird-5—na pawang nagtala ng limang panalo at zero talo matapos ang semifinals.
Kasunod naman sa talaan ng mga top contender ang Ynares Coliseum Feb. 17 6-Cock sa NCA Traditional, Tokwing Kawit Arena JSL/DGL, at 419 Dayang-Dayang Janjan 2, na may apat na panalo at isang tabla.
Kabilang pa sa mga makikipagtagisan sa grand finals ang Exclusive Storm, HGA VCT Animal Health/RSA JMP Paraiso, 671 Noisy Boys Bambullioness/Fresku-1, Alab 2028 Red 1 Feb/24 S Ynares, Greengold Sprtn-2, Thunder Kids, VMBG Fiscalizer Era, Santino GF Filimexboots, Infiniti Gold 888, AE Covina, Darpy, V Boyz NM, PDJ/Pitmaster Cup 11-Cock, RJM Batang Mataba, Blue Angels-A, San Pedro RP, GRDP Boss Lio Jr. BTX, Princess Nina Jerry, JSCT Honey 888, Batman Badboy MJ AHJO, II Diamond Laking V-22, 786 Hawaii RIL AGF Batang San Juan, Mashburn GF–Lakay Kiko, Clearcut Gulf Haven, JAA Jondom ES Matrix, Smasher August 18 5-Stag Sta. Monica, Swing AM Star V22, Sagupaan Winningline, Double Manny, Phil Jockey Club, Golden C, JJC King Jerome, My Sunshine GF/Ragbe GF, Firebird Angels, Prime Cut Ranch, JMW Infiniti 8, Fuji Delight/Luke Kiana 33-KNP, Thunderbird-1, at Thunderbird IV.
Tampok sa grand finals ang 91 na laban ng ilan sa pinakamahusay na cockfighter sa buong mundo, na sisimulan ganap na 1:00 ng hapon.
Maaaring makabili ng tiket ang mga tagahanga na nais masaksihan nang live ang aksiyon sa Ticketnet o sa pamamagitan ng opisyal na anunsiyo sa Facebook. (HNT)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com