Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marco Gomez Paolo Gumabao Atty Topacio Spring In Prague

Marco Gomez maganda exposure sa pelikulang “Spring In Prague”, Paolo Gumabao saludo sa  produ na si Atty. Topacio 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAGANDA ang exposure ni Marco Gomez sa pelikulang “Spring In Prague” ng Borracho Films ni Atty. Ferdinand Topacio.

Bida sa pelikula sina Paolo Gumabao bilang si Alfonso Mucho na isang resort owner sa Puerto Galera at ang Czech-Macedonian actress na si Sara Sandeva sa papel ni Maruska Ruzicka.

Gumanap naman dito si Marco bilang best friend ng bidang si Paolo at co-owner ng resort.

Sa naunang panayam namin sa hunk actor, aminado siyang nag-enjoy siya sa pelikulang ito na showing na sa mga sinehan sa February 4, nationwide.

“Sobrang sarap nila makasama sa trabaho, tapos it’s so nice seeing myself without showing my butt. First time kong ganito na walang pakita ng puwet,” nakangiting biro ni Marco. 

“Oo nga po, nanibago ako dahil hindi ako nagpakita ng puwet dito sa movie,” natatawang sambit pa niya.

Although nagsimula bilang member ng all male sing and dance group na Clique V. mas nakilala noon si Marco sa mga sexy movies niya sa Vivamax.

Una siyang lumabas sa movie company ni Atty. Topacio sa pelikula hinggil sa SAF 44 na pinamagatang “Mamasapano”.

                Nabanggit din ni Marco na nag-enjoy siya sa shooting ng pelikulang Spring In Prague.

Aniya, “Ano siya e, parang work and at the same time ay vacation, kasi nag-shoot kami sa Puerto Galera. So, siyempre work mode ka, pero nasa beach ka so, sobrang masaya… at kasama mo sina Paolo Gumabao at Sara na sobrang masarap katrabaho.

“Masasabi kong mag-i-stand out ang movie, dahil sobrang sweet ng love story na mapapanood nila rito.”

Kinunan ni Direk Lester Dimaranan ang pelikula sa Oriental Mindoro at Czech Republic. Ang pelikula ay isinulat ni Eric Ramos.

Ang Spring in Prague ay isang love story ng dalawang taong mula sa magkaibang culture. Pero sila ay pinagtagpo ng destiny na nagresulta ng isang wagas na pagmamahalan, kahit pa may tutol at balakid sa kanilang relasyon.

Bukod sa magandang pagkakagawa at mahusay na acting ng casts lalo ng mga bida ritong sina Paolo at Sara, makikita rin sa pelikula ang magagandang lugar sa Czech Republic at Puerto Galera and Tagaytay sa Filipinas.

Si Marco ay alaga ni Ms. Len Carrillo ng 3:16 Events and Talent Management. Siya ay lumaki sa Austria at magaling na singer din. Martial artist ang aktor at black belter pa, kaya swak din na sumabak sa action movies si Marco.

Anyway, nabanggit naman ni Paolo na saludo siya sa kanilang producer na si Atty. Topacio.

Aniya, “Kaya kami laging nagkakatrabaho ni Attorney, because we appreciate each other. Si Attorney Topacio, napakabuti at napakaayos na producer niyan. He cares about his people and his crew.”

Ang pelikula ay mayroong diplomatic significance, ito ay ire-release sa golden celebration ng 50th anniversary ng diplomatic relations sa pagitan ng Filipinas at Czech Republic.

Ang production team ay nagkaroon pa ng courtesy visit kay Ambassador Eduardo Martin R. Meñez sa Philippine Embassy sa Prague sa kanilang last day ng shooting.

Pahayag ni Atty. Topacio, “This is a romantic comedy with depth and historical allusions… It’s a love story, yes, but it’s also a celebration of the enduring friendship between two nations.”

Kuwento pa niya, “It’s so hard to get a permit in Prague. It’s not that simple, especially when we filmed in Charles Bridge. But the people of Prague were very warm. Sara was a big help, she even invited us to the restaurant of her dad.”

Tampok din sa Spring in Prague sina Elena Kozlova, Ynah Zimmerman, Keahnna Reyes, Tori Topacio, Esel Ponce, at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Virginia Rodriguez Leave Nobody Hungry Foundation

Ms. Virginia Rodriguez, nakatutok sa Leave Nobody Hungry Foundation

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO si Ms. Virginia Rodriguez – president at chairperson ng …

Tuesday Vargas

Tuesday Vargas talento ibinabahagi habang naglalayag sa dagat

HARD TALKni Pilar Mateo MUKHANG umiingay ngayon ang sea cruises. O paglalayag sa dagat. Napakarami …

Angelica Panganiban The Silent Noise

Angelica ramdam bigat ng bawat eksena habang ginagawa ang The Silent Noise

ni ALLAN SANCON STAR studded ang katatapos na Blue Carpet Premiere ng bagong seryeng The Silent …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …