Thursday , June 4 2026
PMPC

Bagong halal na opisyales ng PMPC nanumpa

RATED R
ni Rommel Gonzales

PINANGUNAHAN ng bagong halal na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang panunumpa sa tungkulin ng 2026 newly-elected officers and board members noong Biyernes, Enero 30, 2026, sa Japer’s Restaurant, NBS Mall, Quezon City.

Nagsilbing inducting officer sa PMPC oathtaking ang Vice Mayor ng Nunungan, Lanao del Norte at movie producer na si Hon. Marcos Mamay.

Pinangungunahan ang 2026 PMPC officers and board members ng newly-elected president na si Fernan de Guzman, na nagbabalik sa kanyang pang-apat na beses na pamumuno sa grupo.

Ang iba pang bagong opisyal ng PMPC na nanumpa sa tungkulin ay sina Rodel Fernando, vice president; Eric Borromeo, secretary; Mildred Bacud, assistant secretary; Boy Romero, treasurer; Jimi Escala, assistant treasurer; Joey Austria, auditor; Evelyn Diao, PRO – English; at Glen Sibonga, PRO – Filipino.

Nanumpa rin ang mga Board of Director na sina John Fontanilla, Leony Garcia, Melba Llanera, Mell Navarro, Rommel Placente, at Francis Simeon.  

Proud siMamay na siya ang napili ng PMPC na maging inducting officer ng mga bagong opisyales ng grupo.

Aniya, “Malaking karangalan po na maimbita tayo para mag-administer ng oath sa new officers ng PMPC. So, maraming salamat sa PMPC at sa bagong presidente na si Fernan de Guzman.

“Sana tuloy-tuloy na ito. Sana maganda ang maging pamamalakad para sa kabutihan ng buong PMPC, ng ating media friends and press. At sana magtagumpay lahat ng mga adhikain natin.”

Inihayag dib ni Mamay ang hangarin niyang masuportahan at matulungan ang PMPC lalo na sa pagsasagawa at pag-oorganisa ng taunang Star Awards for Movies, Music at Television.

Napili ng PMPC si Mamay na maging inducting officer dahil sa magandang imahe at kredibilidad niya bilang isang public servant pati na rin ang naibibigay niyang ambag sa showbiz industry bilang isang movie producer.

Matapos ang tatlong termino bilang mayor ng Nunungan, Lanao del Norte, si Mamay ang kasalukuyang Vice Mayor ng naturang lugar.

Tumatayo rin si Mamay bilang adviser ng Actor’s Guild of the Philippines.

Samantala, labis naman ang pasasalamat kay Mamay ng buong PMPC sa pangunguna ni de Guzman.

Hangad ni De Guzman ang patuloy na pagtatagumpay ng PMPC.

Aniya, “Sana tuloy-tuloy pa rin ang magandang adhikain ng PMPC, ng mga member at officer nito. Bilang nagbabalik na presidente nito hinahangad ko na maging masagana ang industriya ng pelikulang Filipino at ng buong showbiz industry.

Sana rin ay patuloy na mamayani ang pagmamahalan, suportahan, at respetuhan ng lahat ng mga member at officer ng PMPC.”

Kinikilala ang PMPC Star Awards, Inc. bilang pinakamatagal na samahan ng showbiz media (entertainment editors, mga kolumnista, bloggers, TV and radio hosts), mula nang itinatag ang organisasyon noong 1960. Ang inoorganisa nitong Star Awards for Movies, Television, at Music ay kabilang sa mga inaabangang showbiz events at awards night taon-taon. (Rommel Gonzales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …