MATABIL
ni John Fontanilla
LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya ang advocacy film na Mantsa na ididirehe ni Louie Ignacio.
Ito ay mula sa produksiyon ng Dragon Productions nina Bambbi Fuentes at Tine Areola.
Ayon kay Mr. Apeng bata pa ay mahilig na siyang manood ng pelikula bukod pa sa pangarap niyang makagawa ng mga makabuluhang pelikula. Kaya naman nang kinausap siya ni Bambbi na magco-produce ay um-oo siya kaagad lalo nang mabasa niya ang script na nagustuhan niya ang istorya at casting.
May susunod pa silang gagawin at plano na makapag-produce ng hanggang limang pelikula ngayong taon.
Dalawa sa gusto niyang gawan ng pelikula ay sina John Lloyd Cruz at Gina Paren̈o.
Pagbibidahan nina Pilar Pilpil, Gelli De Belen, Dino Guevarra, Snooky Serna, LA Santos, Lloyd Samartino, Bo Bautista, Khai Flores, Shira Tweg, Than Perez, Ghia Garcia, Mill Marzo, RJ Ariar, Rain Barreto ang unang pelikulang ggawin ni Mr. Apeng.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com