Thursday , June 4 2026
Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABIL
ni John Fontanilla

MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng dyowa ngayong 2026 dahil sa sobrang busy nito sa dami ng trabahong gagawin niya ngayong taon.

Pagpasok pa lang ng 2026, sinabi na ni Alden na balak niyang magkaroon ng girlfriend, pero mukhang malabong mangyari lalo’t kauumpisa pa lang ng taon ay sunod-sunod na ang trabahong gagawin.

Inilunsad kamakailan ang kauna-unahang pagtatambal nila Alden at Nadine Lustre, isang series sa VIU, ang Love, Siargao na may 26 episodes.

Bukod pa riyan ang pagho-host nito sa Season 2 ng Stars On The Floor

Hindi pa kasama ang mga out of town, mall at out of the country shows, shooting, at promotion ng mga ineendosong produkto at mga proyektong gagawin ng kanyang sariling kompanya, ang Myriad Events.

Pero umaasa ang mga solid na tagahanga ni Alden na sana mabigyan ng oras ng  actor/host ang kanyang puso para magkaroon na ng lovelife ngayong taon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …