Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera napagtagumpayan pagsakay sa puting kabayo

CHRISTMAS season nang umingay ang bagong lunsad na  mag-eendoso ng White Castle Whisky.

Tuwing may pakulo ang nasabing inumin, talagang nakatatak na sa isip ng mga tao ang klase ng pagpapa-ingay nito. Kapag ang modelo ay sakay na ng isang puting kabayo.

Ilang modelo na rin nito ang nasaksihang humawak ng botelya ng White Castle Whisky. Ang naging Miss World runner-up na si Evangeline Pascual, aktres na si Lorna TolentinoPlayboy centerfold Tetchie Agbayani, comedienne/actress Carmi Martin, bold international actress Maria Isabel Lopez, at Glydel Mercado

Sa panahon ni Glydel namin nasaksihan sa pictorial at paggawa ng commercial ang hirap para mabuo ang patalastas na kabayo ang kaeksena. 

Nang mga sumunod ng panahon, dumating na ang mga bagong breed. Roxanne Ginoo, Sassa Girl, Ria Atayde, Angelie “Pench” Andanar at marami pa.

Ngayong taon, hindi naman nawala ang mga hinanap ng Destileria Limtuaco sa kanilang bagong modelo. 

Mula sa GMA Network ang online at TV personality na si Ashley Rivera. Ang nagpapatawa sa mga sumusubaybay sa kanya bilang si Petra  Mahalimuyak sa TikTok at YouTube na isa ring mahusay na host sa Chicks 2 Go. At si Tita Carmi niya ang naging inspirasyon ni Ashley para umasam na makasakay din sa puting kabayo.

Parang personalidad ni Ashley ang sinasalamin sa inuming hindi nawawala sa lahat ng okasyon. 

Dapat light lang!”

Beauty. Talent. Filipino identity. Gaya ng mga nauna sa kanya. Napantayan kayang lahat ni Ashley ‘yan?

Makikita natin ‘yan sa sales report ng produkto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …