Tuesday , December 23 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon

STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins na dinaluhan ng mga bigating artista at personalidad na bumubuo sa pinakabagong kabanata ng iconic na horror franchise. 

Agaw-eksena ang pagdating ng mga bida na talaga namang dinumog ng fans at media, patunay na mataas ang interes at pananabik ng publiko sa pelikulang ito.

In fairness, mula umpisa hanggang dulo ay kapansin-pansin ang husay ng pagkakagawa ng pelikula. Pinalakpakan ang bawat eksena dahil ramdam na pinag-isipan at pinaghirapan ang bawat detalye. Hindi tinipid ang production—de-kalibre ang mga special effect, pulido ang cinematography, at maging ang mga kasuotan ng mga artista ay halatang pinaglaanan ng oras at budget. 

Malaki rin ang ambag ng epektibong scary sound effects na mas lalong nagpalalim sa tensyon sa bawat isa sa tatlong episodes.

Dagdag pa rito ang kahusayan sa pag-arte ng mga beterano at mahuhusay na artista. Natural at makatotohanan ang kanilang pagganap kaya mas madaling pumasok ang manonood sa mundo ng takot na kanilang inilahad. Sa ilang piling eksena, hindi mo mapipigilang mapaatras sa upuan—talagang tumatayo ang balahibo, lalo na sa mga biglaang tagpo at matitinding eksenang kaabang-abang.

Walang itinuturing na “tapon” sa tatlong istoryang handog ng pelikula. Bawat episode ay may sariling konsepto, sariling takot, at sariling sorpresa na tiyak na tatatak sa isipan ng manonood. Sulit na sulit ang ibabayad sa sinehan dahil sa halip na isa, tatlong magkakaibang horror stories ang inyong mapapanood sa iisang pelikula.

Higit sa lahat, ito lamang ang nag-iisang horror film na kabilang sa 51st Metro Manila Film Festival, kaya siguradong standout ito sa mga handog ngayong Kapaskuhan. 

Kung hanap ninyo ay pelikulang magpapasigaw, magpapakaba, at magpapatayo ng balahibo, huwag palalampasin ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins, na mapapanood simula December 25, 2025 sa mga sinehan sa buong bansa sa ilalim ng Regal Entertainment, Inc..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Maricar Aragon Me and My Music

“Me and My Music” concert ni Maricar Aragon sa Viva Cafe, mamayang gabi na

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG fund-raising concert ang gaganapin mamayang gabi (Dec. 22) sa …

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …