Saturday , June 27 2026
Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEX
ni Jun Nardo

GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica Panganiban pati na rin sa director ng movie na si Jefdrey Jeturian.

Naganap ang premiere ng UnMarry last Saturday sa Trinoma Cinema. Well attended ito ng celebrity friends nina Angelica at Zanjoe Marudo at may narinig kaming lawyers at nakasabay na former judge.

Tungkol sa annulment ng movie at kung paano ito at epekto sa mga taong involved.

Take note, kakaiba ang treatment sa movie.  Panalo si Eugene Domingo bilang annulment lawyer nina Angelica at Zanjoe. Magkaiba nga lang ang gustong mangyari ng dalawa.

Ayaw ni Zanjoe sa na ma-annul ang kasal nila na lumabas na wife niyang si Solenn Heussaf. Si Angge, gusto niyang ma-annul ang kasal sa asawa niyang si Tom Rodriguez na ang husay at susuntukin mo sa galit, huh!

Informative ang movie. Pero very entertaining. Nakaiiyak lalo nang mag-testify ang magaling na anak nina Zanjoe at Solenn na si Jack Sibug.

Palakpakan ang lahat after ng premiere. 

Nakitang umiiyak si Angelica na first time niyang napanood ang movie. Proud ang husband niyang si Greg Omman sa performance ng asawa.

Naku, you will be missing a lot kapag hindi ninyo inuna sa December 25 ang UnMary dahil magagaling na ang cast, wala pang tapon sa mga eksena, huh!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Bam Aquino Good Times with Mo

Movie buff Bam Aquino ibinida mga paboritong movie trilogies

IPINAKITA ni Senador Bam Aquino, isang certified movie buff, ang pagmamahal sa pelikula sa bagong episode …

Bam Aquino Home Along Da Riles Da Reunion

Batang 90s na si Bam Aquino dumalo sa special screening ng Home Along Da Riles Da Reunion

DUMALO si Senador Bam Aquino sa espesyal na screening ng pagbabalik ng isa sa pinakapaboritong Pinoy television …

Albie Casino Hibla 2

Albie Casino ‘di issue paggawa ng VMX movie 

MATABILni John Fontanilla HINDI problema para kay Albie Casino na gumawa ng pelikula sa VMX, na isa ito …

Katrina Halili

Katrina Halili nominado sa Seoul Drama Awards

MATABILni John Fontanilla NOMINADO ang aktres na si Katrina Halili para sa Outstanding Asian Star award sa 21st …

Mga nominado sa 9TH EDDYS ng SPEEd iaanunsiyo

IHAHAYAG ngayong araw, Hunyo 25, 2026 ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang mga nominado ngayong …