Saturday , November 23 2024

Charice, sincere nga bang makipag-ayos sa kanyang ina?

DALAWA ang pakay ni Charice Pempengco nang dalawin niya—along with her girlfriend Alyssa Quijano—ang puntod ng kanyang Daddy Ricky sa isang sementeryo sa Sta. Rosa, Laguna noong October 31: it was her father’s second death anniversary and post-birthday (October 11).

Lumabas ang panayam kay Charice sa Startalk that aired last Saturday, interspersed with an interview of her Lola Tess, not in a place outside Sta. Rosa kundi sa mismong tahanan nito sa nasabing munisipalidad na ilang kilometro lang ang layo mula sa libingan.

Separately, the maglola were consistent sa pagsasabing hindi pa sila uli nagkikita, but how Lola Tess wished that Charice and Alyssa pay her a visit.

Sa aming personal na opinion, we could not think of any other logical route that Charice could have taken—traveling all the way from Manila to Sta. Rosa—than making a stopover first sa bahay ng kanyang lola.

After all, hindi man niya ito datnan sa bahay at that precise moment, Lola Tess would instantly think na nasa sementeryo ang apo.

Also, ang nitso namang pinaglagakan ng labi ni Mang Ricky would not slip out of the graveyard, na anytime gustuhing dalawin ni Charice ay puwede. Ang singer na rin ang nagsabi sa Startalk interview na madalas niyang dinadalaw ang puntod nito, at least every Sunday bilang pangakong kanyang binitiwan sa ama, pero ano ka’t hindi man lang nabibisita ni Charice ang taong buhay?

Nang mismong araw na ‘yon (October 31), asang-asa si Charice na darating din sa puntod ni Mang Ricky ang kanyang Mommy Raquel. That could have been an opportune time para magkita-kita sila roon, kasama ang kanyang nobya.

But no Mommy Raquel—nor her shadow—popped out.

Tuloy, hindi namin maiaalis mag-isip, if not magduda kung sinsero ba si Charice sa hangarin niyang makipagkasundo sa kanyang ina, under the circumstance na ni hindi nga niya makuhang bisitahin ang kanyang lola who she claims is the one who understands her the most.

Echoserang pars.

Richard, nawalan ng career dahil kay Sarah

QUO VADIS nga ba, Richard Gutierrez?

Sa ngayon, opisyal na wala nang kontrata ang aktor sa GMA. The only thing that exists, or is left of whatever contractual obligation that Richard has ay isang pelikula na lang with GMA Films.

Dinig namin, there are urgent plans para gawan ng pelikula ang aktor para ‘ika nga’y claras cuentas na. From there, maaari nang makapagdesisyon si Chard whether or not to stay with GMA or go find a new nesting place.

Still, ang dinig namin, none of the two rival networks of GMA—ang ABS-CBN at ang TV5—is laying down any offer, not in the way his contract with GMA has been drafted or designed to suit and satisfy his demands.

Let’s face it, lalo ngayong ibinasura ng piskalya ng Quezon City ang isa sa mga kasong inihain ng nobya niyang si Sarah Lahbati—grave coercion—laban sa tatlong GMA bosses puts Richard in an even more precarious situation.

Apparently, Richard has chosen love over career, and for whatever it’s worth, mayroong mga konsikuwensiya na dapat niyang harapin borne out of his choice.

Between the lovebirds, hindi nakapanghihinayang makatakas sa kanyang hawla si Sarah in pursuit of freedom that translates to happiness. Pero sa tulad ni Richard whose stature is way above the “starlet status” of his girlfriend, we feel sad that resurrection of his career might not occur soon.

Ronnie Carrasco III

About hataw tabloid

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *