Thursday , June 4 2026
Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Camias, San Miguel, Bulacan.

Batay sa ulat ng San Miguel MPS sa pangunguna ni PLt. Colonel Voltaire C. Rivera, OIC, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Undo,” 32 anyos, residente ng Brgy. Partida, San Miguel at alyas “Charo,” 47 anyos, residente ng San Antonio, Nueva Ecija, kapuwa nasa street level target list.

Naaresto ang dalawang suspek sa operasyon ng kontra droga matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa operatiba na nagpanggap na poseur buyer.

Nasamsam mula sa mga suspek ang kabuuang labindalawang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 5 gramo at may standard drug price na Php 34,000; isang marked money; isang Caliber .45 pistol na may serial number 236515; isang magazine; at apat na bala ng cal. 45.

Napag-alaman na ang dalawang suspek ay lantaran kung magbenta ng shabu na kahit sa kalye ay parang kendi lamang na inilalako ang mga ito sa kanilang mga kliyenteng adik.

Ang dalawang naarestong suspek at ang nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Bulacan PFU para sa drug test at kaukulang laboratory examination.

Sa pahayag ni PColonel Angel Garcillano, provincial director ng Bulacan PPO ay muling pinatunayan ng mga operatiba na walang takas ang sino mang sangkot sa iligal na droga at mga armadong kriminal sa lalawigan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …