Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya kaya kalokohan na ikabit ang pangalan niya.

Sa Kasama, Kasalo, Pasasalamat: TGC partner’s Appreciation Day ng Taberna Group of Companies na pag-aari nila ng asawa niyang si Mrs. T or Rossel Taberna, naiiling at natatawa ang batikang broadcast journalist/entrepreneur na ikinakabit ang kanyang pangalan sa mga Discaya.

Ang mag-asawang Discaya ang pangunahing pigura sa maanomaluyang flood control projects.

Aminado naman si Ka Tunying na minsan na siyang nilapitan ng mag-asawa, gamit ang middleman, para magpa-interview sa vlog niya sa YouTube.

Muntik ko na ma-interview ‘yan,”ani Ka Tunying. “Kasi may mga naglalako sa kanila nong bago mag-eleksiyon. 

“Sabi ko, ‘hindi, ang ini-interview ko kasi ay mga negosyante na successful, at ako ang lumalapit. Ako ang sumusulat sa kanila para ma-interview ko.’ 

“Pero iba ‘to (Discaya couple). Bakit sila ang lumalapit sa akin through intermediaries?,” paliwanag ni Ka Tunying.

Kaya naman may kakaiba na siyang naramdaman doon pa lamang lalo’t tatakbong mayor si Sarah sa Pasig bilang kalaban ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

“Kung na-interview ko ’yon, malamang may P10-M na ako ngayon,” pagbibiro ni Ka Tunying.

“Ibig sabihin, may P10-M na ako sa kwentuhan. Kung nagkataon, may tig-iisang milyon na kayo sa akin,” natatawang wika pa nito.

Isa pa sa posibleng dahilan ng pagkakadawit niya sa usaping Discaya ay ang pagiging endorser niya rati ng insurer nitong Stronghold Insurance Company, Inc..

“Ay, hindi, kuwan ‘yon, kalokohan ‘yon. Kalokohan. Hindi, ganito ‘yan, tutal nabanggit n’yo… palagay ko ang tinutukoy mo, ‘yung insurer ni Sarah Discaya. By the way, in fairness naman sa Stronghold, ang Stronghold ay insurer ng maraming projects pa na hindi lang naman ng mga Discaya.

“So, once upon a time, I think it was 2022, kinuha akong brand ambassador ng Stronghold. But the contract was only for one year. Pero ang galing ng Stronghold, pinag-aralan ko, maganda, wala namang flood control issue during that time. 

“Ang ganda niya, ang bilis nga niya, ‘pag nag-claim ka, nabangga sasakyan mo, nag-claim ka, ang bilis… para sa akin, ha, experience ko ‘yon. So noong in-offer sa akin, maganda naman ang bayad, mukha pa naman akong pera noon, kagagaling ko sa gastusan sa anak ko, kaya tinanggap ko. 

“After one year, tapos na ‘yung kontrata namin…

Ngayon, siyempre, may picture ‘yan, eh, ‘yung kamayan namin, ‘yung opisyal na paglo-launch as ambassador ng produkto. ‘Yun ang ginagamit ngayon ng mga may toyo na kung-sino-sino mga ‘yan.

“Kinabit-kabit na ako raw ay kakampi… 

“Sabi ko talaga, ‘yun ‘yung sinasabi ko na sayang, sana mag-level-up ‘yung mga nagba-vlog lang. Kasi kung kanino, halimbawa, sample lang ‘to, ha, halimbawa, galit sa ‘kin si Risa Hontiveros, at ‘yung mga fanatic niya nakita picture na ‘yon, ididikit na ‘yon, ‘di ba? 

“Hindi ‘yan ang journalism. Hindi ‘yan ang itinuro sa ‘tin,” paliwanag pa ni Ka Tunying. 

Ukol naman sa naging usapin sa kanila ng aktres na si Pinky Amador sinabi nitong hindi siya napikon sa banat sa kanya. Ito iyong nag-post si Pinky sa kanyang socmed ng video na nagpunta sa Ka Tunying bakeshop na may caption na, “Bibili sana ako ng fake news.”

Ang caption ay may may kinalaman naman sa naging pahayag ni Ka Tunying sa ilang  senador na umano’y may insertions sa national budget.

Sambit ni Ka Tunying, naiintindihan niya kung bakit nadadamay siya sa issues kahit ’di naman siya politiko. Para sa kanya, part and parcel na ito ng pagiging mamamahayag na objective sa pagkokomentaryo.

Nang tanungin kung may balak ba siyang sumabak sa politika,anito, “Ay, no, no, no. Wala. Ang dami nang offer sa akin mula noon pa, like 18 years ago, noong 2007 pa, and every election thereafter, mayroon nang mga offer, pero hindi natin gusto ‘yan.”

Basta ang pinagkakaabalan nilang mag-asawa sa ngayon ay ang mga kompanya na nasa ilalim ng TGC, ang Ka Tunying’s Restaurants, Kumbachero Food Corporation, Taste of the Town Catering, at Outbox Media Powerhouse Corporation.

Mahigit isang dekada na ang TGC at sa idinaos na Kasama, Kasalo, Pasasalamat: TGC Partner’s Appreciation Day, inalala nila ang humble beginnings nito.

Nagbigay ng makahulugang mensahe si Rossel, COO ng TGC, na ibinahagi ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pusong mapagpasalamat at mapagpakumbaba sa bawat hakbang ng kanilang paglago.

“Dito sa TGC, namumuno at naglilingkod kami nang may puso at pasasalamat,” ani Mrs. T. 

Nagpasalamat din sa media partners si Ka Tunying, CEO ng TGC, sa patuloy na tiwala, suporta, at pagiging katuwang ng mga ito sa bawat kwento at tagumpay ng kanilang negosyo.   

“Maraming salamat sa tiwala at suporta. Katuwang po  namin kayo sa bawat kwento at tagumpay,” pahayag niya. 

Nagsalita rin si Ms. Luchi Vitales, HR Executive ng TGC, para ipakilala kung sino ang 

bumubuo sa TGC Communi-T—isang samahan ng mga Ka-Tmates na pinagbubuklod 

ng core values ng kompanya. 

Isa sa mga highlight ng programa ay ang pagbibigay ng token of appreciation para 

sa business at media partners. Sinundan ito ng masaganang grazing table at 

meriendang inihanda ng Taste of the Town, pati gift boxes mula sa Ka Tunying’s. 

Nagbigay-saya rin sa event ang sayaw ni Tonton Mascot, live band performance, at 

mga papremyo mula sa raffle. 

Higit sa isang simpleng pagtitipon, ipinakita ng event ang tunay na diwa ng TGC—

isang komunidad na itinayo sa pananampalataya, pagpapakumbaba, at walang 

sawang pasasalamat. Tulad ng mensahe sa milestone video: “Ito ay higit pa sa 

milestone—ito ay patunay ng aming pusong pinalalakas at aming pagiging taos-pusong nagpapasalamat.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …