Saturday , April 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeffrey Jeturian Angelica Panganiban Unmarry

Angelica inayawan, kinainisan ni direk Jeffrey 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

AYAW nang makatrabaho ni direk Jeffrey Jeturian si Angelica Panganiban. Ito ang saloobin ng award winning director noong makatrabaho ang aktres sa Maalaala Mo Kaya maraming taon na ang nakararaan.

Ani direk Jeffrey, hindi niya nagustuhan ang ginawa ni Angelica noong magkatrabaho sila sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Paliwanag pa ng direktor sa grand mediacon ng UnMary, official entry sa Metro Manila Film Festival 2025, feeling nabastos siya sa attitude ni Angelica. Kaya naman mula noon, ayaw na niyang maka-work uli ang aktress.

Hindi nagustuhan ni direk Jeffrey ang iniasal ni Angelica nang habang binibigyan niya iyon ng instruction para sa blocking ay tila inaantok. 

“I’ve work with her sa ‘Maalaala Mo Kaya’ and that was the time na sabi nga niya maldita pa siya and after working with her sa ‘PlayHouse’ (dating serye ng ABS-CBN) at dito (UnMarry), siya na ang favorite actress ko!” nangingiting sabi ng direktor.

Sinabi naman ni Angelica na nangyari ang sinasabi ni direk Jeffrey noong panahong lumalagare siya sa kanyang mga proyekto kaya talagang wala  siyang tulog. 

“Grabe ‘yung favorite! Kasi noon ginagawa ko ‘yung ‘Iisa Pa Lamang’ (Kapamilya series, 2008). I remember galing ako ng Batangas tapos Bulacan ‘yung taping (MMK).

“Pagdating ko (Bulacan), tatlong asawa ko ang namatay sa ‘MMK’ na wala akong ginawa kundi umiyak tapos the following day hindi pa rin kami pack-up kaya habang bina-block ako ni direk nakakatulog ako.  

“‘Yung sinabi ko na may mga nagagawa akong hindi ako proud noon, akala mo ang paglalagare ay maipakikita mo kung gaano ka kasipag pero ‘yun pala nakakabastos ka na ng mga katrabaho mo,” ani Angge.”

Sinabi pa ni Angelica na, “Masaya ang buhay pamilya at kitang-kita ko dahil favorite na ako ni Direk Jeffrey Jeturian ‘yun lang ang mahalaga. Alam niyang favorite ko rin siya at love ko siya.”

Palabas na sa December 25 ang UnMarry bilang bahagi ng MMFF 2025 at magsisilbing comeback movie ni Angelica. Kasama rin dito sina Zanjoe Marudo, Tom Rodriguez, Solenn Heussaff , Nico Antonio, at Eugene Domingo. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Eddie Bong Soriano The Bravest Knight

Pinoy animator nominado sa 2026 Canadian Screen Awards

ISA na namang Pinoy animation artist ang kinilala sa global entertainment stage. Dahil sa galing …

Beautéderm Rhea Tan namahagi ng tulong delivery riders tricycle drivers

Beautéderm CEO na si Rhea Tan, namahagi ng tulong sa 200 delivery riders at tricycle drivers 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NABIYAYAAN ang 200 delivery riders at tricycle drivers ng mga …

Sofia Pablo Allen Ansay Marco Masa Charlie Fleming Michael Sager Kira Balinger Josh Ford Sean Lucas Anthony Constantino

Sofia at Allen masusubok ang lakas

HARD TALKni Pilar Mateo INTERNET culture. Deep rooted folklore.  Franco Mortiz ang direktor. Si Ays de Guzman ang …

Salome Salvi

Kasong isinampa kina Salome at Tyo Bri ng KSMBPI tuloy pa rin

HARD TALKni Pilar Mateo TULOY pa rin ang paghahatag ng kaso ni Dr. Michael Raymond A. …

Anton Vinzon Kamao

Anton Vinzon muling sasabak sa aksiyon

I-FLEXni Jun Nardo INAABANGAN ng fans kung sino ang magiging leading lady ni Anton Vinzon sa launching …