Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Get Get Aw The Sex Bomb Concert

Sex Bomb Girls reunion concert sold out, nag-anunsiyo ng round 2

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAKATUTUWANG malaman na hindi pa man nai-stage ang Get, Get Aw The Sex Bomb Concert sa Araneta Coliseum sa Dcember 4 Thursday, aba, sold out na agad ito at may round two na sa December 9 sa mas malaking venue na, Mall of Asia Arena, huh!

Kaya naman pinaghahandaan na rin ng SBG ang bagong production numbers for MOA Take Two at bago ang set of guests.

Proud kaming maging bahagi ng kasikatan noon at hanggang ngayon ng Sex Bomb Girls. Mula sa pagiging dancers eh sumalang sila sa TV thru Daisy Siete at Regal movie na Bakit Papa.

Of course, malaking tulong sa pagsikat at pagiging magaling na dancers, singers, at actresses ang manager-discoverer nilang si Jay Cancio.

Sa ngayon ay may sari-sarili nang career ang SBG gaya nina Rochelle, Mia, Aira, at iba pa. Negosyante na rin ang iba sa kanila gaya nina Mia at Sugar Mercado.

Kaya naman sa pagsasama-sama ng Sex Bomb Girls sa December 4 at 9, makisabay tayo sa pagsigaw ng, “Get, Get Aw!!!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …