Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joel Lamangan Abed Green Jackstone 5 Apex Creative Productions

Direk Joel Lamangan nanginig sa unang halik

MATABIL
ni John Fontanilla

BUMIGAY at nabinyagan si direk Joel Lamangan sa pelikulang Jackstone 5  ng Apex Creative Productions Inc., dahil nagkaroon ito ng kissing scene sa isang newbee actor na si Abed Green.

Paulit-ulit ngang kuwento ni direk Joel, “Sa totoo lang that was my first kissing scene in film.”

Pag-amin ng direktor, nanginig siya habang ginagawa at kinukunan ang unang halik sa big screen.

That was also his first ever kissing scene sa kapwa niya lalaki.

“Hindi ako kinabahan (sa kissing scene) pero na-excite ako.”

Ayaw maniwala ng mga invited press people na sa tagal ni Direk Joel sa showbiz ay ngayon lang siya nagkaroon ng kissing screne, kaya naman paulit-ulit nitong sinabi na first kissing scene niya ‘yun sa pelikula at sa isang lalaki. 

Makakasama ni Direk Joel sa pelikula sina 

Eric Quizon, Gardo Versoza, Jim Pebengco at  Arnel Ignacio With Abed Green, Rico Barrera, Jhon Mark Marcia, Prince Clemente, Marcus Madrigal, at Elora Españo.

Mula ito sa panulat ni Eric Ramos at idinirehe rin ni Lamangan. Mapapanood sa mga sinehan nationwide sa December 3, 2025.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Net Kanda Lea Salonga

Thai singer/actress napaiyak nang makita si Lea

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang maiyak ng Thai singer/ actress na si Net Kanda nang makita at …

D GRIND Presentsm D PURPOSE 2026 MANILA

D’GRIND Presents…D’ PURPOSE 2026 MANILA

MATABILni John Fontanilla MULING magkakaroon ng dance workshop at recital ang nangungunang dance group sa …

Emma Tiglao

Emma Tiglao sinabihang ‘makapal ang mukha,’ management ng resto nag-sorry

MATABILni John Fontanilla NABASTOS daw si 2025 Miss Grand International Emma Tiglao ng isang waiter na tinawag siya …

Mama Emma Janna Chu Chu

Mama Emma, Jana Chu Chu wagi sa Dangal ng Pinas 2026!

MATABILni John Fontanilla PASASALAMAT ang gustong iparating ng Barangay LSFM 97.1 DJ na si Mama Emma sa pamunuan ng Dangal …

 Joel Lamangan All About Her

Direk Joel sa pagdidirehe ni Coco—May mata siya, marunong mag-position ng camera

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISA sa magagaling na direktor si Joel Lamangan kaya naurirat namin ito ukol …