Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PNP Nartatez

Nartatez tumutok sa mga operasyon paglipas ng bagyo

MABILIS na tinutukan ni Acting Chief PNP Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang PNP Command Center (PCC) ngayong Lunes ng umaga upang pangunahan ang pagsubaybay sa mga operasyon ng pulisya at mga hakbang sa pagtugon sa mga lugar na naapektohan ng bagyo.

Kasama si Police Colonel Ramon Pranada, hepe ng PCC, sinuri ni Lt. Gen. Nartatez ang mga ulat mula sa iba’t ibang rehiyon at mga yunit ng pulis na kasalukuyang nakatalaga sa mga apektadong komunidad. Ipinamalas ng kanilang pagbisita ang dedikasyon ng pamunuan ng PNP sa patuloy na pagbabantay at pagtitiyak na ang mga operasyon para sa relief, rehabilitasyon, at seguridad ay maayos na isinasagawa at nakatuon sa kapakanan ng publiko.

Pamumunong aktibo at mapagkalinga

Sa kaniyang pagbisita, nakipag ugnayan si Lt. Gen. Nartatez sa mga tauhang naka-duty upang alamin ang mga pinakahuling ulat at magbigay ng mga tagubilin para mapanatili ang maayos na koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan, pambansang ahensiya at mga responder.

Binigyang diin niya ang kahalagahan ng patuloy na kahandaan kahit nakalampas na ang bagyo at ipinaalala na ang tunay na pamumuno ay hindi lamang nasusukat sa panahon ng krisis kundi sa tuloy-tuloy na pagtulong sa panahon ng pagbangon.

Ipinunto niya na ang epektibong pamumuno sa ganitong mga pagkakataon ay nangangailangan ng disiplina at malasakit, mga katangiang patuloy na ipinamamalas ng PNP sa kanilang serbisyo sa publiko.

Serbisyong may puso at pagkakaisa

Patuloy na nakahanda ang PNP sa pagtulong sa mga operasyon ng relief, clearing, at rehabilitasyon sa mga lugar na tinamaan ng Uwan. Sa 24/7 operasyon ng Command Center, tuloy-tuloy ang pakikipag ugnayan ng mga yunit sa field upang tiyakin ang kaligtasan, tulungan ang mga evacuee na makabalik sa kanilang mga tahanan, at mapabilis ang pagbabalik sa normal na pamumuhay.

Ang pagbisita ni Lt. Gen. Nartatez ay sumasalamin sa pamumunong may malasakit at pagkilos, paalala na ang tunay na paglilingkod sa bayan ay hindi nagtatapos kapag lumipas ang unos kundi nagpapatuloy hangga’t may mga  nangangailangan ng tulong.(BONG SON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Son

Check Also

Arellano NCAA cheerleading

Arellano, wagi sa ika-7 sunod na titulo sa NCAA cheerleading

PATULOY ang paghahari ng Arellano University sa NCAA cheerleading competition matapos nitong masungkit ang ika-pitong …

Spikers Turf Voleyball

King Crunchers Target back-to-back win, Spin Doctors gustong makabawi

Mga Laro sa Biyernes 1 n.h. – VNS vs AEP-Cabstars 3 n.h. – 3B vs …

P6.8-B shabu Speed boat Paluan Occidental Mindoro

Sa abandonadong bangka
P6.8-B shabu natagpuan ng mga sundalo

NADISKUBRE ng tropang militar ang P6.8-bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang abandonadong speedboat sa …

Arrest Shabu

P142.8-M ‘obats’ nasabat; 2 tulak timbog sa buybust

NASAMSAM ang hindi bababa sa P142,800,000 halaga ng hinihinalang shabu, habang nadakip ang dalawang pinanininiwalang …

NBI NMIS

Sa isang ‘planta’ sa Makati  
KARNE NG ASO FOR SALE ONLINE, 5 VIETNAMESE  ARESTADO

NASAKOTE ang limang Vietnamese nationals na pinaniniwalaang sangkot sa bentahan online ng processed dog meat …