Thursday , June 4 2026
Tony Yang Yang Jianxin

Kustodiya kay Tony Yang iginiit ng Immigration chief

IGINIIT ni Commissioner Joel Anthony Viado sa Municipal Trial Court Branch 7 sa Cagayan de Oro (CDO) na ibalik ang kustodiya ng negosyanteng si Tony Yang sa Bureau of Immigration (BI) kung sakaling magpiyansa ang Chinese national.

Sinabi ni Viado nitong Sabado, ang kahilingan ay upang biguin ang mga pagtatangka na magtago si Yang, kung mapapalaya ng korte at tuluyang makaiwas sa mga legal na aksiyon dahil mayroon pa siyang nakabinbing deportation case kaugnay sa misrepresentation bilang Filipino.

Si Yang, gumagamit din ng pangalang Yang Jianxin sa kanyang mga dokumentong Tsino ay naiugnay sa mga operasyon ng POGO sa bansa.

Inaresto noong 2024 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, Pasay City matapos siyang dumating mula CDO ng BI fugitive search unit at ng  intelligence division, sa pakikipagtulungan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission.

Kasalukuyang nakakulong ang akusadong Chinese sa CDO dahil sa mga paglabag sa falsification of public documents, perjury, at anti-aliases law, na lahat ay bailable offense.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …