Sunday , March 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
LTFRB bus terminal

Operasyon ng 22 bus sinuspinde ng LTFRB

PINIGIL ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng 22 pampasaherong bus na nahuling sangkot sa iba’t ibang uri ng paglabag sa batas trapiko.

Ayon kay LTFRB Chairman Vigor D. Mendoza II,  pinadalhan nila ng notification of the suspension at show cause orders ang Elavil Tours, Phils, Inc., at AMV Travel and Tours, Inc.

Halos 17 bus ng Elavil Tours Inc., may biyaheng Bicol-Manila ang sinuspinde ng LTFRB nang hindi lalagpas sa 30 araw habang limang bus ng AMV Travel and Tours, Inc., ang pansamantalang hindi makabibiyahe.

“This should serve as a stern warning to transport companies to comply with the minimum standard for safe operations and maintaining passenger-friendly stations and terminals,” ani Mendoza.

Binigyang-diin ni Mendoza, ang mga pasahero ang bumubuhay sa negosyo ng mga PUBs kaya nararapat na magsilbi nang maayos sa commuters.

“Hindi puwedeng pahihirapan ninyo ang inyong mga pasahero na nababasa kapag umuulan, walang maupuang maayos habang naghihintay ng biyahe at hindi makagamit ng mga CR dahil sa sobrang dumi,” sabi ni Mendoza.

Magugunitang si Transportation Secretary Giovanni Lopez ang mismong nakahuli sa Elavil Tours, Inc., na gumagamit ng illegal terminal sa Pasay City na una nang ipinasara ng DOTr.

Ipinasusuko rin sa dalawang kompanya ang for-hire plates at pinagpapaliwanag kung bakit hindi sila dapat suspendihin o bawian ng prangkisa.

Binigyan ni Mendoza ng due process ang dalawang kompanya at pinahaharap sa LTFRB ngayong  22 Oktubre.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Spikers Turf Voleyball

King Crunchers, target ang sweep; Final Four contenders umiinit sa huling salpukan

Mga laro ngayong araw (Paco Arena) 1 p.m. – VNS vs Alpha 3 p.m. – …

Engr Gaspar Escobar Jr ICSC Teddy Brul

Ipaglaban matatag at makabayang sistema ng enerhiya – ICSC

PANAYAM kay Engr. Gaspar Escobar, Jr., grid modernization advisor ng Institute for Climate and Sustainable …

We Stannin HARD Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We Stannin’ HARD: Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We are all about that stan life. A new album from a rising artist? Fanboy/fangirl …

QCPD Quezon City

Pagkonsumo ng koryente, nilimitahan ng QCPD

BILANG suporta sa deklarasyon ng State of National Energy Emergency, nilimitahan ng Quezon City Police …

Setting the scenes for Mindanaos main characters at SM Supermalls

 Setting the scenes for Mindanao’s main characters at SM Supermalls

Let’s be honest, Mindanao–we’ve never been background characters. There’s a certain confidence in the way …