PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
AKALA ba natin ay gusto ni Chie Filomeno na ihiwalay ang kanyang private life sa kanyang showbiz ganap?
Hataw na hataw naman kasi ‘yung pambubuking niya kay Sofia Andres bilang dina-drag nga raw nito sa ‘gulo,’ o mga eskandalong dapat ay sila-sila lang ang nakaaalam.
Nakakaloka ang naging alegasyon at sagot daw ni Chie kay Sofia na inilarawan pa niyang “backstabber” dahil hindi raw nito masabi ng harapan ang mga sinasabi nitong patalikod laban sa kanya.
Wala pang sagot si Sofia sa mga hanash ni Chie. Ang nakakaloka sa kwentong ito, mga Inglisera at kilalang involved sa mga mayayamang pangalan sina Sofia at Chie.
Pinagtatawanan tuloy sila sa showbiz lalo’t wala naman silang mga proyektong dapat na abangan at panoorin ng mga tao.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com