I-FLEX
ni Jun Nardo
TINAPATAN ni Melai Cantiveros ang P100k na donasyon ni Barbie Forteza sa biktima ng lindol sa Cebu base sa post na naglabasan sa social media.
Bisaya rin si Melai kung tama kami kaya dapat din lang niyang tulungan ang mga kababayan niya sa Cebu.
Sa coverage ng nangyaring lindol, pasiklaban din ang TV shows, huh! Mas madrama at nakaiiyak, mas maraming tututok nito.
Sana nga lang, magbigay din ng tulong ang mga politiko at hindi puro salita lang, huh.
Eh huwag na ninyong lagyan ng coverage. Ipadala na lang sa kinauukulan at baka ma-corrupt pa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com