SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
PUNOMPUNO ang Music Box noong Biyernes sa paglulunsad ng MCarsPH na pinamumunuan ni Jed Manalang. Ang MCars PH ay isang digital system na nag-uugnay ng car buyers sa verified sales agents mula sa iba’t ibang dealership sa buong bansa.
Kasama sa paglulunsad ang Socia na ang CEO ay si Josh Mojica at ang CTO naman ay si Reiner Cadiz na gumawa ng website ng MCars PH. Kasama ring dumalo si Gabriel Go, MMDA Head ng Special Operation Group-Strike Force.
Ipinagmamalaki ng MCars PH na marami ang matutulungan ng kanilang kompanya hindi lamang para magkaroon ng trabaho at kumita kundi para mapadali ang pagbili ng mga sasakyan. Mula sa simple hanggang sa high end car/suv.
“Sa mga nagnanais na magkaroon ng sariling sasakyan, ang MCarsPH na ang bahala sa inyo!
“Basta mapatunayan na legit ang address mo at kaya mo ang monthly payments, two valid ID’s, may NBI or Police Clearance at may pang-downpayment, aprub ka agad!” paunang sabi ni Jed.
“One day process lang at same day release, hindi na kailangan ng bank approval.
“Hassle-free at minimal lang ang paperwork, approve kahit may CMAP & replevin case, “
“Fast, legit & trusted transactions at nationwide ang delivery.
“Ganyan kadali kumuha ng sasakyan sa MCarsPH,” giit pa ni Jed.
Tunay na mabilis nga ang pagkuha ng sasakyan sa kanila sa tulong na rin ng gianwang website nina Josh at Reiner. Mas napabilis ang mga transaction ng pagkuha ng sasakyan sa MCarsPH. Kaya naman sila ang napili ni Jed para maging kapareha sa pagsasa-ayos ng kanyang kompanya.
Sabi pa ni Jed hangad niya ang makatulong sa mga kababayan natin na kumita mula P10,000 pataas bilang komisyon sa mga makukuhang kliyente na kukuha ng sasakyan sa MCarsPH.
Idinagdag pa ni Jed na, layunin nilang gawing simple at malinaw ang proseso ng pagbili ng sasakan habang binibigyan ng digital advantage ang agents.
Sa pamamagitan nito, itinataguyod ng McarsPh ang mas modernong, customer-friendly, at tech-driven automotive marketplace sa Pilipinas. Kaya kung gusto ninyong makabili ng sasakyan ng walang kaproble-problema i-tsek ang MCarsPH.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com