Wednesday , January 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alfred Vargas Yasmine Espiritu

Yasmine minanifest mapapangasawa si Alfred

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAKATUTUWA pala ang love story nina Alfred Vargas at misis nitong si Yasmine Espiritu. Na-love at first sight agad ang aktor kay Yasmine samantalang matagal naman na siyang crush ng huli. 

Naibahagi nina Alfred at Yasmine ang ukol sa kanilang love story nang mag-guest sila sa Fast Talk with Boy Abunda.

Ani Alfred, taong 2008 nang una silang magkita ni Yasmine sa isang event sa Sta. Cruz, Laguna. Pagkakita pa lang niya kay Yasmine nasabi niya sa sarili na iyon ang babaeng gusto niyang mahalin at makasama forever.

“Rewind muna tayo sa backstage. Artista ako noon, mayroon ding ibang artista na nandoon tapos napansin ko parang mas maraming nagpapa-picture sa isang tao roon at siya (Yasmine) ‘yon,” pagbabalik-tanaw ni Alfred.

“Sabi ko, grabe ang ganda niya. So, love at first sight talaga,” nakangiting wika pa ng konsehal/aktor.

Inamin naman ni Yasmine na crush na niya noon pa si Alfred. Napanood niya ang aktor sa isang programa sa telebisyon.

“Naalala ko pa noon nasa sala kami kasi ‘di ba noon kapag nanonood ng afternoon drama, nakita ko siya (Alfred). Sabi ko kay Lola, ‘Sino ‘yan?’ Sabi niya, ‘si Alfred Vargas.’”

At nasabi niya sa kanyang Lola na balang araw ay makikilala at mapapangasawa niya si Alfred. Na siya ngang nangyari pagkalipas ng ilang taon. 

Nagpakasal sina Alfred at Yasmine noong 2017 at biniyayaan ng apat na anak – sina Alexandra Milan, Aryana Cassandra, Cristiano, at Aurora Sofia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Maricar Aragon

Benefit concert ni Maricar Aragon matagumpay

MATABILni John Fontanilla DINUMOG ang kaatatapos na benefit concert ng singer na si Maricar Aragon, ang Me …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley napakahusay sa Bar Boys: After School 

MATABILni John Fontanilla ISA sa hinangaan sa entries ngayon sa Metro Manila Film Festival 2025 ay ang …

Kathryn Bernardo Mark Alcala

Kath at Marc magkasama noong New Year

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAYAGAN na ang pagkukompara ng mga netizen kina Kaila Estrada at Kathryn Bernardo. May …

GMA ABS-CBN TV5

TV5, GMA, ABS-CBN game na game sa labanan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXCITING nga ang TV network wars this 2026. Sa aminin man …

MMFF 2025 Movies

MMFF entries bigong maabot bilyong kita sa takilya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAPPY New Year mga Ka-Hataw. Nakaka-sad naman ang balitang five days …