Thursday , June 4 2026
Vico Sotto Roman Romulo

Mayor Vico tahimik sa isyu vs Romulo

NANATILING tahimik si Pasig City Mayor Vico Sotto hinggil sa mga paratang laban kay Rep. Roman Romulo ngunit binatikos niya ang mga kontraktor na sina Pacifio alyas Curlee at Sarah Discaya dahil sa hindi tugmang pahayag at kasinungalingan sa kanilang testimonya sa harap ng Senate Blue Ribbon Committee.

Kasama si Romulo sa mga mambabatas na pinangalanan ng mag-asawang Discaya na umano’y nakatanggap ng pera mula sa kanilang infrastructure projects.

“Obviously there are congressmen, DPWH officials, and contractors who are guilty. But the Spouses Discaya are clearly angling to become ‘state witness’. Para ‘di sila makulong. We know they are capable of lying (just go back to their campaign period videos and posts),” ayon kay Sotto sa isang Facebook post.

Tinuligsa ni Sotto ang mag-asawa dahil sa magkasalungat nilang pahayag tungkol sa kanilang umano’y kinikita na inilabas sa pagdinig sa Senado.

“‘Yung pinaka-obvious na lang munang halimbawa ng kasinungalingan. Sabi ni Mistermind Curlee ‘2-3% lang’ ng contract cost ang kita nila kada project. ‘Suwerte na’ raw kung 5%. Sa ibang project lugi pa raw sila (wow),” wika ni Sotto.

Aniya, hindi tugma ang pinakahuling testimonya ni Curlee Discaya sa nauna nitong pahayag sa isang panayam na sila’y bilyonaryo at may “11 digits” na assets o hindi bababa sa ₱10 bilyon.

“Presidente na mismo ang nakakita sa ghost project nila. Sinong gagawa ng ganoon kalaking krimen para sa 2-3% na kita? Wag tayong magpauto sa mga paawa effect nila… Wala raw silang magawa?” diin pa ni Sotto.

Binalaan ng alkalde ang publiko na mag-ingat sa naratibong itinutulak ng mga Discaya, na tinawag niyang “half-truths aimed at misleading the public.” (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …