Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Enrique Gil Franki Russell

Enrique at Franki nagkasundo sa hilig sa diving 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MUKHANG may something sweeter going on kina Enrique Gil at New Zealand-Pinay actress, Franki Russell.

Napapadalas daw kasi ang sighting sa dalawa at nitong weekend nga ay muli silang magkasama sa isang diving spot sa Bohol.

Sa magkaibang post nila ng kanilang photos and videos sa socmed accounts nila, halatang in touch sa sea world ang dalawa. 

Naging friends nga ang dalawa dahil sa diving hobby nila, pero noon pa raw nagkakatrabaho ang mga ito.

Naging kontrobersiyal beauty queen si Franki dahil in 2024 kung kailan niya dapat i-represent ang New Zealand sa Miss Universe, eh at saka naman natanggalan ng franchise ang bansa, thus disqualifying her to join.

Dati ring PBB housemate si Franki (PBB 8) at lumabas na rin sa maraming movies at TV shows.

Bagay silang dalawa dahil kapwa may mga dugong Pinoy at foreign. Halata namang nagkakasundo sila ng mga hilig at gusto, kaya ipush na natin iyan.

Besides, mukha namang kapwa sila available at si Quen nga ay nasa moving forward stage na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …