MATABIL
ni John Fontanilla
MASUWERTE ang isa sa batang lead actor sa advocacy film na Aking Mga Anak ng DreamGo Productions at Viva Films na si Jace Fierre dahil kahit di pa man naipalalabas ito ay may kasunod na.
Dahil nga sa husay na ipinakita ni Jace sa movie ay nagdesisyon ang DreamGo Productions na bigyan na ito ng follow up movie.
Balita namin ngayong September ay gigiling na ang kamera sa second movie nito na ang target naman ng pagpapalabas ay sa December at si Jun Miguel pa rin ang magdidirehe.
Anyway sa September 3 na ang showing ng Aking Mga Anak nationwide, na nakasama nito sina Madisen Go, Candice Ayesha, Juharra Zhianne Asayo, at Alejandra Cortez.
With Hiro Magalona, Ms. Cecille Bravo, Ralph Dela Paz, Klinton Start, Patani Dano, Natasha Ledesma, Sarah Javier, Art Halili Jr., Nicole Al Meer , Andrea Go, Prince Villanueva at iba pa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com